Default Thumbnail

Ginang todas sa pakikipag-away sa manugang

May 26, 2024 Jonjon Reyes 70 views

PATAY ang 55-anyos na ginang matapos mahirapang huminga habang nakikipag-away sa kanyang manugang sa Ermita, Maynila noong Sabado.

Nakilala ang biktima na si Melda at nakilala ang manugang na si Mary Ann, 35.

Base sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga naganap ang insidente sa labas ng barangay hall sa Brgy. 668 sa panulukan ng Sta. Monica at L. Guerrero St., Ermita.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng suspek at ng anak ng biktima hinggil umano sa financial problem.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima na si JB, nasa loob ng barangay hall siya at kanyang live-in partner para ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan tungkol sa mga nasabing problema.

Habang nag-uusap ang dalawa biglang nagalit ang suspek at lumabas ng barangay hall at nakita ang motorsiklo ni JB na paulit-ulit pinagpapalo ng suspek.

Nakita ng biktima ang paninira at sinubukang pakalmahin ang suspek hanggang siya ang pagbalingan ng suspek na nauwi sa pagtatalo at pananakit.

Doon na nakaramdam ang biktima ng hirap sa paghinga at tuluyan nawalan ng malay.

Sa Philippine General Hospital namatay ang biktima.

AUTHOR PROFILE