Arianne Larawan mula sa IG/Arianne Bautista

Killer abs

May 26, 2024 People's Tonight 91 views

PAMATAY man ang wangkata ng aktres at content creator na si Arianne Bautista, nabubuhayan naman ang kanyang male fans sa tuwing inihahain niya ito sa social media.

Nasa paraiso man ng Palawan si Arianne base sa kanyang post sa Instagram, umabot din sa mga kelot ang paraiso dahil sa kanyang patakam na katawan.

Makikita sa mga larawang ibinahagi na todo-smile ang social media star habang nasa beach. Kabogera siya sa kanyang suot na two-piece bikini kung saan lumitaw ang kakinisan niya.

“Core memories in Palawan,” sey ni Arianne sa caption ng kanyang post.

Hindi lang “core memories” ang nasaksihan ng netizens sa kanyang trip sa Puerto Princesa, dahil maging ang ibinalandra niyang “core body” na-imagine nilang malasa.

Dedma na sa magandang view sa background ni Arianne ang mga kalahi ni Adan, dahil tutok kung tutok ang mga paningin nila sa magandang tanawin ng alindog niya.

Maging ang kanyang mga kapwa content creator ay napa-wow sa abs niyang oozing with hotness.

Sa comment section nga ng post ay ilan sa mga netizens ang hindi nakapagpigil na maloka sa hotness ni Arianne.

Narito ang ilang komentong nakalap sa nasabing post niya: “Grabe naman po!!!!”, “THE ABS”, “Ay naku paano maging ganyan ang katawan?”, “sexy all the way”, at “Nag-uulan na pero bakit parang ang init paren idol.”

AUTHOR PROFILE