Jenn Larawan mula sa IG/Jenn Rosa

‘My body gives you chills’

May 26, 2024 People's Tonight 112 views

I KNOW the way you feel, my body gives you chills.”

‘yan ang hirit ng Vivamax actress na si Jenn Rosa sa mga kelot ng social media.

Hobby na ata ni Jenn na paligayahin ang male fans. Sa bago niyang Instagram post, ngiting panalo na naman ang barako.

Sa isang video na ibinahagi ng sexy star, inawat nga siya ng ilang netizens dahil kahit nagsisimula na ang tag-ulan, tuloy-tuloy pa rin sa pagpapainit si Jenn.

Mapapanood siyang todo-awra sa gilid ng swimming pool suot ang string bikini habang umaambon.

Kering-keri pigilan ni Jenn ang paglamig na nararamdaman ng mga nasa opposite sex ngayong rainy season sa pamamagitan ng kanyang mga sizzling patakam.

Humarap man o tumalikod, may “blessing” na kayang i-share si Jenn na ikatutuwa ng kalalakihan. Patok ang kanyang mga tambok sa harap man o sa likod.

Muli na namang nalunod sa heart at fire emojis ang latest post ng sexy star. Talagang sabik sumisid sa mundo ng kanilang pantasya ang mga kalalakihan nang masilayan nila ang hubog niya.

Ayon sa ilang comments sa post ni Jenn: “Sobra ka na talaga!!!! Laveeeet”, “Sandalee. Tag ulan na. Wag mo uling painitin frienddd!!”, “You’re out of this world sexually”, at “Lahat ba nakapag zoom ng maayos?”

Bukod sa mga bagong proyekto, nakilala si Jenn sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Hibang (2023), Araro (2023) at Bisyo! (2023).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar