Celeste Larawan: Celeste Cortesi/IG

Lengua con dedma

May 25, 2024 People's Tonight 111 views

UMAAPAW ngayon sa sarap at kaseksihan ang dating pageant holder na si Celeste Cortesi matapos ito mag-flex ng kanyang naka-dilang pic.

Sa kanyang IG post, iflinex ng beauty queen ang kanyang maliit na waistline at fluffy backside. Kapansin-pansin din ang kumikinang na sexy gold shining top nito na siyang tumakip sa malusog na dibdib ng beauty queen.

Hindi lang barako’t kelot ang dumumog kay Celeste kung ‘di inulan din ito ng bashers dahil umano sa naging reaksiyon nito sa Miss Universe Philippines 2024.

“They made a mistake crowning you in the first place. You only bring dishonor and disgrace to the Philippines. Look at you now. Your career post Miss Universe is going nowhere since you only go on vacations and change boyfriends constantly, whereas Michelle is actually making a positive difference by being a role model in her community. What have you achieved since being crowned? Nothing. You Only bring down Chelsea because of your insecurity of having no career and no achievements after the crown,” sey ng isang user.

“Hindi kasi lahat nakukuha sa lapad ng nguso, laki ng bubelya at liit ng bewang ate korsss, dapat may brain din at ‘yon yung wala ka. Kaya nga hirap na hirap ka sa training mo sa Q and A,” dagdag pa ng isa.

Wala namang reply si Celeste rito kaya sa picture na lang niya idinaan ang rebuttal, kaya tinatawag na nila itong “pampa-kalma queen.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar