Julia Larawan mula sa IG/Julia Victoria

Kinis na nakaka-miss

May 25, 2024 People's Tonight 69 views

ANGHEL sa kama na may dalang langit ang peg ni Vivamax actress na si Julia Victoria sa kanyang male fans.

Kung may bakbakan man sa gabi bago matulog, handang-handa na sa labanan ang postura ng nasabing sexy star sa kanyang ibinahaging larawan sa Instagram.

Dilat na dilat ang mga kelot sa kaseksihan ng hot actress.

Ang style ng mga kalalakihan na pinusuan ang larawan niya, i-zoom ang pa-cleavage ng aktres.

Dumungaw rin sa larawan maging ang makinis niyang “behind” ng aktres.

Lodi rin ng netizens ang magandang mukha ni Julia. Nakakabaliw ang mga titig nito na parang laging may pang-aakit na dala-dala.

Miss na nga ng mga male fans niya na mapanood muli siya sa bagong proyekto.

“New movie idol nakakamiss ka na, ayoko sa mga bago ngayon,” hirit ng isang netizen.

Ilang mga proyekto sa Vivamax na rin ang naitampok si Julia, kabilang na rito ang Lawa (2023), Hilom (2023), Bula (2022), at Purificacion (2022).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar