Default Thumbnail

Vespa riders dumalaw sa Bataan, magbubukas ng museum

May 26, 2024 Christian D. Supnad 100 views

MAGBUBUKAS ng museum ang mga Vespa riders sa SM City Bataan kasunod ng pagbisita ng mahigit 500 Vespa riders mula sa iba’t-ibang lugar sa pangunguna ni Chairman Michael Albana bilang bahagi ng pagdiriwang ng Vespa Days 2024.

Tinanggap ni Gov. Joet Garcia ang mga bisita at sinabing: “Bahagi po ng kanilang pagbisita sa ating lalawigan ang pagbubukas ng Vespa Museum sa SM City Bataan at pagpunta sa mga natatanging destinasyon sa ating probinsya tulad ng Mt. Samat National Shrine, Japan-Philippines Friendship Tower, Las Casas Filipinas de Acuzar at La Jolla beach resort.”

Ibinahagi ni Gov. Garcia sa kanila ang mga inisyatibong ginawa ng Bataan upang maging mas maginhawa para sa bawat motorista lalo na sa mga turista ang pagbaybay sa mga kalsada lalo na sa Roman Superhighway sa Bataan.

“Asahan po ng lahat na patuloy nating titiyakin ang kaligtasan sa daan lalong-lalo na sa pagsisimula ng konstruksyon ng Bataan-Cavite Interlink Bridge,” dagdag pa ng gobernador.