Ruffa

Ruffa blooming habang nagma-Masters

August 19, 2023 People's Tonight 145 views

FRESH na fresh ang former beauty queen at aktres na si Ruffa Gutierrez sa kanyang latest Instagram post.

Sey pa ng aktres after niyang pagbalansehin ang oras sa pag-aaral, showbiz at personal life, ay napapanatili niya umanong maging fresh. Dagdag pa niya, siya ay naka-enroll na sa kursong Master of Arts in Communication, sa taong 2023-2024.

“Blooming working student. I make sure to balance my time between shoots, taping, personal life and my studies. Enrolling today for 2023 – 2024 first trimester:Master Of Arts In Communication,” caption ng aktres.

Matatandaang inanunsyo ni Ruffa na siya ay ganap ng degree holder, matapos makapagtapos ito ng Bachelor’s degree in Communication Arts sa Philippine Women’s University (PWU).

AUTHOR PROFILE