Carlo

Direk Carlo pumanaw na

May 26, 2024 Eugene E. Asis 83 views

Carlo1PUMANAW na kahapon, Mayo 25, 2024 ang tinaguriang Komiks King na si Carlo J. Caparas.

Siya 80 taong gulang.

Nakilala siya sa paglikha ng ilang Filipino comic book characters tulad ng Panday, Bakekang at makabagbag-damdaming drama tulad ng Pieta, Kahit Ako’y Lupa at marami pang iba.

Bilang producer at direktor, marami rin siyang nagawang blockbusters

Nagsimula ang karera ni Direk Carlo bilang comics novelist noong 1970s sa pamamagitan ng nobelang Citadel. Ang una niyang pelikula ay ang Contessa, na sinundan ng Totoy Bato, Bakekang,

Ang Huling Lalaki sa Baluarte, Mong (as director and writer), gayundin ang popular na “Ang Panday” series, na ang pelikula ay tinampukan ng Action King na si Fernando Poe, Jr.

Dahil sa kahirapan, tumigil siya sa pag-aaral pagkatapos ng hayskul. Pero dahil sa angking talino, nakagawa siya ng maraming kuwento na ang iba ay hango sa mga totoong karanasan.

Ang ilan pa sa anyone mga nagawa ay Tuklaw,, Maestro, Lumuhod Ka Sa Lupa, at iba pa.

Nakagawa siya ng may 800 comics novels.

Ang huli niyang pelikula ay “Kamandag ng Droga” na itinanghal sa panahon ni dating Pangulong Duterte.

Ayon sa isang miyembro ng pamilya Caparas, ang lamay para sa mahal na direktor ay magsisimula sa Lunes, Mayo 27, 2024, mula 12 ng hapon hanggang hatinggabi sa Golden Haven Memorial Chapels and Crematorium, Villar Sipag, C5 Extension Road, Brgy. Manuyo Dos, Las Pinas.

Sa mga nagnanais na mag-alay ng puting bulaklak ay pinapayuhang ipadala ito sa Conservatorio II chapel.

AUTHOR PROFILE