Rita

Rita, inalay ang MMFF entry sa inang may breast cancer

December 14, 2021 Ian F. Fariñas 278 views

INALAY ni Rita Daniela sa kanyang ina ang Huling Ulan sa Tag-Araw, ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 entry nila ng perennial screen partner na si Ken Chan.

Sa premiere night/presscon ng bagong obra ni Direk Louie Ignacio para sa Heaven’s Best Entertainment na ginanap sa Gateway Cinema 1 nu’ng Martes, naka-all pink outfit si Rita at kapansin-pansing may pink breast cancer ribbon sa kaliwang dibdib.

Sa Q&A after the screening, naging emosyonal ang Kapuso actress sa pagpapaliwanag ng OOTD niya.

Aniya, sinadya niyang magsuot ng ganu’n dahil na-diagnose pala ang mommy niya with breast cancer two years ago.

Alam daw niya na matutuwa ang mga magulang niya sa lahat ng papuring tinanggap niya mula sa press na humanga sa ganda ng Huling Ulan sa Tag-Araw at sa husay ng pagganap niya sa pelikula.

“That’s why I’m really, really happy because my mom would be so proud of me and my dad also. So, I’m just so happy po talaga, ayun,” humihikbi pa niyang sabi sabay segue sa paboritong linya ng karakter niyang si Luisa na “happy to serve!”

Sa istorya, maiinlab ang magpa-paring si Luis (Ken) sa “misyon” niyang si Luisa, isang baklang pokpok at bar performer.

Tatawa’t iiyak kayo sa kurot ng istorya nila.

Magkaiba man ang mga mundo’t nakasanayan, eventually, mahuhulog din sila sa isa’t isa.

Sa tagal nang magkatrabaho ng RitKen sa GMA, gamay na nga nila ang bawa’t isa kaya ganu’n na lang katindi ang chemistry nila sa screen.

Dapat abangan ng fans ang mainit na eksena ng dalawa kung saan ang karakter ni Rita talaga ang mas aggressive kesa kay Ken.

Sabi nga ni Direk Louie, grateful siya sa aktres dahil game na ginawa ang lahat ng ipinagawa niya.

Revelation nga ang husay ni Rita dahil mapa-comedy man o dramang eksena, tumatagos ang akting niya. Napaka-natural, hindi nag-um-effort.

Isa pa, ang lakas makadala ng love theme ng pelikula, na si Rita rin ang kumanta.

Kasama sina Lotlot de Leon, Richard Yap, Joe Vargas, Bryan Benedict, John Gabriel, Kenneth Medrano, Rachel Jacob at Ahwel Paz, ang Huling Ulan sa Tag-Araw ay mapapanood na sa mga sinehan sa Dec. 25.

AUTHOR PROFILE