Sharon

Sharon-Julia movie, inihihirit

December 14, 2021 Vinia Vivar 330 views

Para kay Sharon Cuneta, kapareho niya ng attitude si Julia Montes sa totoong buhay.

As we all know ay magkasama ngayon ang dalawa sa FPJ’s Ang Probinsiyano ni Coco Martin.

Nag-post si Sharon sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Julia at sa caption, ikinumpara niya ang sarili sa nakababatang aktres.

Ayon kay Mega, pareho silang bungisngis, malambing at mabait.

“Mara and Aurora. Sa lahat ng nakasama kong mas mga batang artista sa more than 60 movies ko, si Julia Montes ang nakita kong pinakapareho ko sa tunay na buhay.

“Bungisngis, malambing, mabait. At magaling na artista. Love this girl!” ang caption ni Shawie.

Ang pangalan ng karakter ni Julia sa FPJAP ay Mara habang si Sharon naman ay Aurora.

Hiling naman ng mga netizen ay magkasama raw sana sa isang pelikula sina Julia at Sharon.

AUTHOR PROFILE