Marian

Marian sa Miss U: Truly a great experience I’ll never forget

December 14, 2021 Ian F. Fariñas 276 views

NGAYONG Miyerkules, December 15, inaasahang umuwi ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, na nag-judge sa katatapos na 70th Miss Universe sa Eilat, Israel.

Mahigit isang linggo ring nawala sa bansa ang mag-asawa kaya naman siguradong miss na nila at excited nang makasama ang dalawang anak na sina Zia at Sixto pagkatapos sumailalim sa mandatory quarantine.

Sa Instagram bago lumipad pa-’Pinas, pinasalamatan ni Marian ang team na nakasama niya sa Miss U journey.

Aniya, “Honored to be part of the 70th @missuniverse selection committee. Truly a great experience I’ll never forget. Thank you for the wonderful time ladies and congratulations to all of you.

“Of course to the #MarianxMissU team Love you all! Thanks for joining me in this memorable trip. Here’s to making more memories together!

“To @francislibiran8 and his team for creating this piece for me in such short notice, maraming salamat for helping me look my best that evening.”

Gabuhok namang naiuwi ng kandidata ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez ang Miss Universe 2021 crown nang pumasok siya hanggang sa Top 5 ng prestihiyosong pageant.

Si Harnaaz Sandhu ng India ang mapalad na nagwagi ng korona bilang 2021 Miss Universe habang 1st runner-up naman si Nadia Ferreira ng Paraguay at 2nd runner-up si Lalela Mswane ng South Africa.

Samantala, magsasamang muli sina Marian at Dingdong sa telebisyon sa pagbibigay-pugay sa real-life superheroes sa year-end special ng GMA News and Public Affairs, ang Year of the Superhero, sa iere sa Bagong Taon, January 1, 2022, 7:45 p.m., sa GMA.

AUTHOR PROFILE