Default Thumbnail

Empleyado tigok sa ambush

April 28, 2024 Gil Aman 194 views

TIGOK ang isang empleyado ng ambushin habang nakasakay sa Mitsubishi L-300 noong Sabado sa Brgy. Saimsim, Calamba City, Laguna.

Sa report ni P/Lt. Col. Milany Martirez, hepe ng Calamba City police, kinilala ang biktima na si Elmer Sena Cajudo, empleyado ng Pyton Spring Product sa naturang syudad.

Namatay si Cajudo dahil sa maraming tama ng bala sa kanyang katawan dakong alas-2:30 ng hapon.

Ayon sa pulisya, sakay ng puting Mitsubishi L-300 Van (NGK 5827) mula sa kanyang pinapasukang kompanya ng tambangan ng mga salarin.

Dagdag ng pulisya, hindi pa nakakalayo mula sa vicinity ng Pyton Spring Product ang sasakyan ng sumulpot ang hindi nakilalang suspek sakay ng itim na NMAX at pinagbabaril ang biktima.

Ayon sa ilang saksi, tumakas ang suspek patungo sa main road ng Brgy. Saimsim.

AUTHOR PROFILE