Dingdong

Marian at Dingdong dadaan sa mandatory quarantine pagbalik ng bansa

December 15, 2021 Aster Amoyo 343 views

MarianMarian1PABALIK na ng Pilipinas ang mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes mula Eilat, Israel kung saan isa ang Kapuso actress at entrepreneur sa mga tumayong hurado sa all-female members of the screening committee ng 70th Miss Universe na ginanap sa Universe Arena in Eilat, Israel last Sunday evening, December 12 (December 13 nang umaga sa Pilipinas). Pumasok sa Top 5 ang kinatawan ng Pilipinas, ang Cebuana beauty na si Beatrice Luigi Gomez, ang kauna-unahang Filipina beauty queen na umaming siya’y miyembro ng LGBT + community.

Tulad ng ibang nagmula sa ibang bansa, dadaan din sa mandatory quarantine ang mag-asawang Marian at Dingdong kaya malamang na hindi na makapag-participate ang huli sa kauna-unahang fluvial parade (sa may Pasig River) ng Metro Manila Film Festival 2021 kung saan isa sa walong official entries ang pelikulang “A Hard Day” na pinagsasamahan nila ng Volpi Cup for Best Actor winner ng Cannes Film Festival in France na si John Arcilla. Ang nasabing pelikula na dinirek ni Lawrence Fajardo under Viva Films ay Philippine adaptation ng 2020 hit and critically-acclaimed Korean movie of same title in 2014.

Since nagpa-virtual presscon na ang Viva sa co-star ni Dingdong sa “A Hard Day” na si John Arcilla, malamang na bigyan din ang Kapuso actor ng kanyang solo presscon to promote the movie paglabas nila ng kanyang misis sa quarantine.

Tulad ni Marian, hindi rin makakalimutan ni Dingdong ang kanyang naging experience at na-witness sa 70th Miss Universe. Naging instant friend naman ni Marian ang kanyang ko-judge, ang 2015 Miss Universe India-turned Bollywood actress na si Urbashi Rautela.

Ang iba pang miyembro ng screening committee ay sina Lori Harvey, model at daughter ng TV host-actor-comedian and businessman na si Steve Harvey, ang Brazilian model na si Adriana Lima, ang Puerto Rican actress na si Adamari Lopez, ang 2016 Miss Universe na si Iris Mittenaere, ang American actress na Rena Sofer (sa finals night only), ang American TV host at 2019 Miss USA na si Chelsie Kryst (preliminary judge) at si Rina Mor, ang 1976 Miss Universe from Israel (preliminary judge).

RichardRichard1Buhay ni Richard Merk pang-MMK

PANG-MMK o “Magpakailanman” ang buhay ng veteran singer-actor at tinaguriang `Prince of Jazz’ na si Richard Merk na isinilang, nagkaisip at lumaki na hindi man lamang nasilayan ang kanyang American father na si James Bernard Merk na nakilala at nakarelasyon ng kanyang yumaong ina, ang Queen of Jazz na si Annie Brazil sa Okinawa, Japan.

Ayon sa kuwento ni Richard, dapat pala ay muling magkikita ang kanyang parents sa Clark Air Base in Pampanga at saka sila tutulak patungong Amerika pero hindi umano pinayagan ang kanyang buntis na noong ina ng kanyang maternal grandfather na makipagkita pa sa kanyang ama. Kaya bumalik ng Amerika ang ama ni Richard na never na muling nagpakita pa sa kanyang ina.

In Bangkok nakilala naman ng kanyang ina ang American promoter at kanyang naging mister. They lived in Bangkok for sometime at siya’y in-adopt ng kanyang stepdad na siyang ama ng kanyang half siblings na sina Rachel Ann Wolfe (ang singer-actress at dating beauty queen), ang namayapang si Bobby Wolfe (Barbie to his friends at kauna-unahang Miss Gay Philippines) at ang bunsong si Ronnel Wolfe (na naging miyembro noon ng sikat na teen dance group, ang Octo Maneuvres.

Nang magkahiwalay ang kanyang mom at stepdad ay bumalik sila ng Pilipinas at muling ginamit ni Richard ang kanyang real name na Richard Merk in honor of his late father.

It was Richard’s late wife, ang banker na si Roni Tapia-Merk ang gumawa ng paraan para ma-trace ang family ng kanyang ama sa America. After hundred of letters and various communications, na-track down ni Roni ang long-lost family ng kanyang ama. Sadly, hindi na niya itong inabutang buhay pero nakilala niya ang kanyang half-siblings at mga pamangkin, Nakailang ulit din niyang nadalaw ang grave ng kanyang yumaong ama at naka-bonding ang kanyang mga kapatid and their respective families sa Amerika.

Richard was only ten years old nang siya’y maging contestant ng sikat noong radio show, ang “Tita Betty Children’s Show “ ng yumaong si Betty Mendez na may live audience at napapakinggan sa radio. Naging bahagi rin siya noon ng “Operetang Putol-Putol” on radio na pinamahalaan ni Consuelo P. Osorio at pinagsamahan nila ng yumaong si Jay Ilagan, Esperanza Fabon, Dolly Favorito, Perla Adea, Joe Alvarez, the late Ben David, Tessie Lagman, Danilo Jurado, Danny Taguiam at iba pa. Ang radio announcer na si Manolo Favis ang sumulat ng istorya at screenplay. Kasama rin sa week-end radio series nung dekada sitenta ang mga yumaong sina Johnny de Leon at Betty Mendez.

Hindi rin ikinaila ni Richard na nakitira siya noon sa kanyang mga kaibigan, kina Danny Taguiam sa may Blumentritt, sa dating manager ng APO na si Butch Danz at sa uncle nitong pari sa isang parish in Fairview, Quezon City hanggang mag-krus ang kanilang landas ng superstar na si Nora Aunor na kanyang nakarelasyon nang matagal. They could have had a baby noon pero nagka-ectopic pregnancy si Guy at hindi ito nabuo.

During the time na sila pa ni Guy (Nora) ay tumayo siyang musical director ng “Superstar Show” at siya umano ang naga-areglo ng mga awiting kinakanta ng munting superstar. Pero inamin ni Richard na siya umano ang kumalas sa kanilang relasyon dahil may hinahanap umano siya sa kanyang sarili.

Bago naging sila ay namasukan din umano siyang utility boy ng NCV Productions na pag-aari mismo ni Guy.

Marami pang rebelasyon si Richard na kanyang inilahad exclusively sa aming “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel na matutunghayan ngayong Biyernes, December 17 at 12:00 noon. Huwag kaligtaang mag-share, like and hit the bell icon for updates. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE