Tiktok

TIKTOK STAR OF THE DAY

May 4, 2024 People's Tonight 77 views

Tiktok1Tiktok2Tiktok3Tiktok4MAHUSAY sa pagiging content creator ang TikTok star na si Johanna Santos o in short “Hanna,” dahil na rin sa iba’t ibang klase ng kaya niyang i-offer sa digital world.

Ang kanyang TikTok account na @aintyohanna na may higit 120 thousand followers, ay patunay ng mga kombinasyong kayang ihain ni Hanna sa social media.

Mapapanood sa kanyang mga contents ang pagiging beauty creator nito sa pamamagitan ng makeup tips at product recommendations. Kaya naman niyang ibida ang ganda ng kanyang mukha sa pamamagitan ng pag-awra at pag-lip sync sa mga nauusong kanta sa nasabing video-sharing app. Maging sa pagsayaw ay di pahuhuli ang social media star, punong-puno ng swag ang kanyang mga moves.

Aba, hindi lang ang mga nabanggit ang ibinabandera ni Hanna sa social media, she really got it all. Sa pag-scroll mo sa kanyang Instagram account na @santos.maeee, sumisirit ang angking kaseksihan ng digital creator sa mga bikini photos nito.

Umaagos din ang ilang brand partnerships kay Hanna. Sa katunayan nga ay todo-endorse siya ng mga produkto mula sa mga affiliate brands sa TikTok.

AUTHOR PROFILE