BBM

Tupi IT park sa S. Cotabato ginawang special ecozone

May 4, 2024 Chona Yu 69 views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Tupi Information Technology (IT) Park sa Cotabato bilang Special Economic Zone.

Layunin ng hakbang na ito ni Pangulong Marcos na makaakit ng mga dayuhang mamumuhunan at mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Nakasaad sa Proclamation No. 530 na ginawa ang Tupi IT Park bilang Special Economic Zone base na rin sa rekomendasyon ng board of directors ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Nakapaloob din ito sa Republic Act (RA) No. 7916, o Special Economic Zone Act of 1995, as amended by RA No. 8748.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon kung saan sakop niyo ang Lot 1-C-5-A (LRC) Psd-198686 TCT No. 145-2015001381, sa National Highway, Brgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato.

AUTHOR PROFILE