Tolentino

Bicam committee report para sa dagdag Shari’a courts aprub sa Senado

May 22, 2024 People's Tonight 74 views

INAPRUBAHAN ng Senado ang Bicameral Comittee Report sa panukalang batas ni Sen. Francis “Tol” Tolentino para sa karagdagang Shari’a courts sa bansa.

Sinabi ni Tolentino na ang panukalang batas ay nag-aamyenda sa Presidential Decree 1083, na kilala bilang Muslim Personal Law of the Philippines, at sa Batas Pambansa 129, o ang Judiciary Reorganization Act of 1980.

Dumalo sa bicameral meeting sina House panel chairperson Juliet Ferrer, Congressman Loreto Acheron ng General Santos City, Congresswoman Gerville Luistro ng Batangas, at Representative Amina Dimaporo ng Lanao del Norte.

Naroon din sina Senador Robinhood Padilla at Justice Raul Villanueva mula sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema.

Nabatid mula kay Tolentino na layon ng bicameral meeting na talakayin ang tatlong magkakasalungat na probisyon ng iminungkahing panukalang batas.

“Layunin ng makasaysayang hakbang na ito na magtatag ng tatlong bagong Shari’a District Courts at 12 bagong Shari’a Circuit Courts sa buong Pilipinas,” ani Tolentino.

Sinabi ng senador na ang Korte Suprema ang magtatakda ng territorial jurisdiction ng Shari’a Circuit Court batay sa geographical contiguity at accessibility, pati na rin ang populasyon ng mga Muslim sa mga lugar na apektado.

AUTHOR PROFILE