Default Thumbnail

Lalaki 8x nagpaputok ng boga, timbog

April 28, 2024 Jojo C. Magsombol 76 views

KAMPO MAJOR/HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Isang lalaki ang tinimbog ng mga pulis matapos magpaputok ng baril ng walong beses sa Euclid St., Phase 4, Vista Verde Executive Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal noong Sabado.

Nakilala ang suspek na si alyas Gerardo, ayon sa report ni Rizal police director P/Col. Felipe Maraggun kay Police Regional Office (PRO)-4A director P/Brigadier Gen. Paul Kenneth Lucas.

Bandang ala-1:10 ng umaga dinala at itinurn-over ang suspek sa Cainta police station kasama ang nakumpiskang 45 cal. na baril, walong bala at walong basyong bala.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-9:30 ng gabi ng Abril 26 nagalit daw ang suspek ng harangin ng mga lalaki dahil sa komprontasyon sa kalye.

Doon na binunot ng suspek ang kanyang baril at nagpapautok ng walong beses.

AUTHOR PROFILE