Rewind

‘Rewind’ nanguna agad sa Netflix Philippines at 5 bansa sa Middle East

March 31, 2024 Eugene E. Asis 90 views

Rewind1MAY bagong milestone na nakamit ang highest grossing Filipino film of all time na “Rewind” sa pangunguna nito sa Top 10 movies ng Netflix Philipines at sa limang bansa sa Middle East isang araw pagkatapos nitong maging available sa nasabing streaming platform.

Bukod sa Pilipinas, numero uno agad ang pelikulang pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Netflix Bahrain, Kuwait, Oman, Qatar, at UAE. Ito ay base sa datos na inilabas ng streaming analytics site na FlixPatrol.

Naging bahagi rin ang nasabing Metro Manila Film Festival 2023 entry ng Top 10 movies sa Netflix sa Canada, Hong Kong, Malta, New Zealand, Saudi Arabia, at Singapore.

Tampok sa “Rewind” ang kwento ni John (Dingdong) na nabigyan ng ekstraordinaryong pagkakataon na mag-time travel para iligtas ang kanyang asawa na si Mary (Marian). Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at prinodyus ng Star Cinema, APT Entertainment, at AgostoDos Pictures.

Kinilala kamakailan sa Senado ang “Rewind” sa pamamagitan ng Senate Resolution 909 mula sa pangunguna ni Sen. Robin Padilla na nagpatibay sa papel ng pelikula sa pagtulong na buhayin ang local film industry.

Napapanood na ang “Rewind” sa Netflix worldwide simula noong Marso 25.

AUTHOR PROFILE