Vice

TV5 pinaghahandaan ang birthday ni Vice

March 27, 2024 Jun Nardo 150 views

NAGHAHANDA na umano ang pamunuan ng TV5 para sa matinding bakbakan sa noontime television sa April 6 kung saan birthday ni Vice Ganda at mapapanood nga sa GMA Netwok at GNTV channels ang It’s Showtime.

Of course, handa rin ang TVJ Productions sa ipapalabas na episode ng Eat Bulaga sa araw na ‘yon at sa susunod pang mga araw.

Kahit sanay na sila na laging nilalabanan, ready pa rin sila at may mga bagong segment na inihahanda para sa viewers ng Bulaga.

Sa totoo lang, sandali lang ang Holy Week vacation ng TVJ Productions staff para ihanda ang mga bagong pasabog pagkatapos ng Mahal na Araw.

Naalala tuloy namin ang unang banggaan ng Eat Bulaga at It’s Showtime nang mag-rigodon ang Bulaga sa Channel 7 from Channel 2, huh!

POSTE NG ‘24 ORAS’

PINAKAMATATAG si Mel Tiangco sa lahat ng 24 Oras news anchors.

Imagine, dalawag dekada na ang GMA News pero host pa rin si Mel na bago na ang mga kasama gaya nina Kim Atienza at Emil Sumangil.

Poste na ng 24 Oras si Mel at wala nang makakatibag pa sa kanya o mangangahas na tapatan siya.

Congratulations, 24 Oras!

Anyway, have a blessed Maundy Thursday sa lahat ng People’s Tonigt readers…

AUTHOR PROFILE