Kathryn

Kathryn at Alden reunited sa yacht party

March 27, 2024 Vinia Vivar 129 views

Viral ngayon sa internet ang mga photo at video ng kaganapan sa yacht birthday party ni Kathryn Bernardo sa Isla Amara sa El Nido, Palawan. Mismong ang mga guest nga ang nag-post nito sa kani-kanilang Instagram account.

Isa sa nakaw-atensyon sa party ay ang pagdalo ng leading man ni Kathryn sa 2019 film na Hello, Love, Goodbye na si Alden Richards.

Mistulang naging reunion nga ito ng cast ng pelikula dahil naroroon din sina Lovely Abella, Maymay Entrata at Kakai Bautista.

Pero dinig namin ay uuwi rin agad si Alden para makasama ang kanyang lolo at lola ngayong Holy Week.

Bukod sa mga nabanggit ay spotted din na dumalo sa celebration sina Joshua Garcia with rumored girlfriend Emilienne Viger, Miles Ocampo, Jericho Rosales, Dominic Roque, Alora Sasama, fashion designer Mark Bumgarner at marami pang iba.

Aside from the yacht party ay nagkaroon din ng celebration si Kath sa Isla Amara beach resort kung saan ay co-owner din siya with Piolo Pascual.

Makikita sa mga photo at video na naglabasan na super-happy naman si Kathryn celebrating her 28th birthday with friends kahit na loveless siya.

Ito ang first birthday party ng aktres na single siya after 11 years.

Samantala, bumati rin naman ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla sa kaarawan ng aktres.

In his IGS ay makikita ang blurred photo ni Kath at nakalagay dito ang “Happy birthday to you” in Japanese characters.

AUTHOR PROFILE