Paolo

Pagbili ng dream house ni Paolo naudlot!

March 27, 2024 Vinia Vivar 235 views

Dahil sa biglaang pagkawala ng noontime show niyang “Tahanang Pinakamasya,” hindi na rin matutuloy ang pagbili ng dream house ni Paolo Contis.

Matatandaan kasi na sinabi ng kanyang manager na si Lolit Solis a few months ago na mukhang malapit nang makabili si Paolo ng bahay dahil nakakaipon na ito ngayon.

Nanghihinayang din si ‘Nay Lolit sa nawalang kita ni Paolo dahil sa pagkakasara ng “Tahanang Pinakamasaya.” Masayang-masaya nga umano ang aktor na nagkaroon siya ng daily show at nakakaipon-ipon na sana. Kaya ganun’n na lang ang lungkot nito nang mawala ang programa.

Sey pa ni ‘Nay Lolit ay pinayuhan niya si Paolo na ‘wag na mag-complain at tanggapin na lang ang desisyon ng GMA.

“Nalungkot siya pero sabi ko nga sa kanya, huminto na ng… ’yun bang, complain kung ba’t inalis ng GMA, ‘di ba? Bigyan niya ng right ang GMA kung anong gustong gawin tapos maghintay na lang siya.

“Malay mo, may magandang dumating,” sey ni ‘Nay Lolit.

Sa ngayon ay focus na lang muna si Paolo sa isa pa niyang show, ang “Bubble Gang,” habang naghihintay ng iba pang offers.

Well, isa sa magagaling nating aktor si Paolo kaya sure naman kami na marami pang trabaho na darating sa kanya.

AUTHOR PROFILE