Mananambal

Pelikula nina Bianca at Nora ipalalabas sa Japan

March 31, 2024 Aster Amoyo 101 views

IPALALABAS sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan sa darating na Mayo ang Pinoy horror movie na “Mananambal,” na pinagbibidahan nina Bianca Umali at Nora Aunor.

Sa Instagram, ibinahagi ni Bianca ang pagkakasama ng kanilang pelikula sa nasabing film festival na gagawin sa Nagoya sa May 25 at 26, 2024.

“Honored to be given this opportunity and to experience this side by side with our National Artist, the one and the only Ms. Nora Aunor,” caption ng Sparkle actress.

Ang “mananambal” ay tinatawag ding mga “manggagamot” sa tradisyonal na paraan at may kakayahan din umano na manakit.

Ang pelikula ay sa direksyon ni Adolfo Alix Jr. at kasama rin sina EA Guzman at Kelvin Miranda.

Binati naman si Bianca ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid sa bago nitong pelikula.

“Congratulations sa aking Mahal! Alam ko kung gaano mo ito pinaghandaan at pinagpaguran, kaya sigurado akong magtatagumpay ka at ang lahat ng bumubuo ng pelikula na ito,” caption ng Black Rider star sa IG post nito.

Apl de Ap patuloy na tumutulong sa mga kabataang kabarangay

Apl de apHINDI pa rin nakakalimutan ni Apl.de.Ap na lumingon sa kaniyang pinagmulan. Kamakailan lang, naghandog ang international singer ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante ng kaniyang alma mater na Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga.

Katuwang ng Black Eyed Peas member ang isang international online education platform at isang computer brand para sa kanyang mga regalo.

Bukod dito, nagtanghal din si Apl.de.Ap. kasama ang The Voice Generations contestant na Ayta Brothers.

Sinabi ng Filipino-American rapper na nakikita niya ang kanyang sarili sa mga bata roon na puno ng pangarap.

“I was born here. I grew up in Sapang Bato, and I was one of these kids. As one of these kids I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas member. And now I’m paying it forward to help kids just like me to be able to have an opportunity to these resources and to be able to compete with the world.”

Kampo ni Shaira nakipag-ugnayan na kay Lenka

ShairaINALIS na muna ng record label ni Shaira Moro sa streaming platforms ang awitin niyang “Selos” matapos ang kontrobersiya ng copyright infringement o panggagaya umano sa awitin ng Australian singer na si Lenka.

Sa inilabas na pahayag ng AHS Channel, inihayag nito na ang melody ng “Selos” ay orihinal na nagmula sa awiting “Trouble is a Friend” ni Lenka.

Nakikipag-ugnayan na umano sila sa team ni Lenka para maging official cover nito ang “Selos” ni Shaira.

“On behalf of our artist, Shaira, AHS Productions would like to convey our heartfelt apologies to all those who have enjoyed listening to the song ‘Selos’ as it is now unavailable in all online streaming platforms.

“This is a voluntary act on our end as we are still making arrangements with regards to the legality of the publication of the song. We have chosen to take it down from all platforms pending our agreement with the original artist’s management on securing a cover license for ‘Selos,” saad ni AHS sa inilabas nilang pahayag na naka-post sa Facebook.

Una rito, may nakapansin sa pagkakatulad sa melody ng “Selos” at “Trouble is a Friend,” na ipinaalam sa Australian singer.

Sinabi naman ni Lenka na gumagawa na ng “legal action” ang kanyang team.

Sa kabila ng kontrobersiya, nagpasalamat ang record label ni Shaira sa mga natuwa sa kanyang cover song. Umaasa sila na magpapatuloy ang mainit na pagtanggap kay Shaira na tinatawag na “Queen of Bangsamoro Pop,” kapag napayagan nang ma-upload muli ang awitin.

“We certainly did not expect that it will become this big to a point where Shaira will be known as the ‘Queen of Bangsamoro Pop.’ We could not be prouder. We hope that when time comes and we will be re-uploading the song, you will show her the same love and acceptance,” ayon sa AHS.

AUTHOR PROFILE