Host

Report: TAPE Inc, nagbubuo na ng bagong ‘Eat Bulaga’ set of hosts

June 4, 2023 Eugene E. Asis 436 views

TULAD ng hinala ng iba, nagbubuo na nga ng bagong set of hosts ang TAPE, Inc. para sa ‘Eat Bulaga.”

Ito ay ayon sa isang report ng Pep.PH.

Ayon dito, kasama sa mga napili nang hosts sina Paolo Contis, Buboy Villar at Betong Sumaya.

Pero hindi pa raw pwedeng magsalita ang mga ito.

Kasama rin daw sa mga sinasabing makakasama sa programa sina Cassie at Mavy Legaspi, gayundin ang ilan pang Sparkle artists.

Ang tangi raw maiiwan sa programa ay si Carren Eistrup dahil kasama ito sa kontrata matapos siyang manalo sa Bida Next portion nito.

Kinakausap na raw si Kuya Kim Atienza para maging bahagi ng programa sa weekend edition nito.

Bukod sa mga pangalang ito, marami pa raw kinukuha ang bagong pamunuan ng TAPE, kabilang na ang isa ring dating host ng Eat Bulaga.

Samantala, hindi pa rin tapos ang usapin tungkol sa kung sino talaga ang tunay na nagmamay-ari ng titulo ng programa. Legal na itong usapin at kapag nagkataon malamang na makarating ito sa korte.

Sa tatlong original na hosts ng Eat Bulaga, pinaka-vocal si dating senador Tito Sotto, samantalang mga pahapyaw lamang na salita ang pinakakawalan nina Vic Sotto at Joey de Leon.

Wala pa ring pahayag ang dating namumuno ng TAPE, Inc. na si Tony Tuviera na nagmamay-ari ng APT Studios na pinagdarausan ng programa. May nagsasabing nagri-rehearse na ang ilan sa mga bagong hosts, pero hindi nabanggit kung saan ito idibnaraos.

Malalaman ngayong araw kung tuloy nga ang Eat Bulaga na may bagong mga mukha. Mai-Eat Bulaga kaya tayo?

AUTHOR PROFILE