Paolo

Relasyon kay LJ, poorly handled — Paolo

June 4, 2023 Vinia Vivar 305 views

Para kay Paolo Contis, malaki ang naging partisipasyon ng pandemic kung bakit nagkahiwalay sila ng ex-girlfriend na si LJ Reyes.

“Lahat naman ng relasyon, may ups and downs. But I can say that during the pandemic, it was just not easy for us,” pahayag ni Paolo sa panayam niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

“Siguro, I’ll leave it at that. Again, it will never justify what I did, it will never justify kung saan siya napunta. Ang mali ko riyan is we never really had a good conversation to talk about everything.

Nagkaroon na ng ano.

“Pero siguro, sa mga couple na nakaranas ng pandemic, isa kami sa mga nahirapan during the pandemic,” dagdag ni Paolo.

Naging magkaiba raw sila ng paraan in facing the pandemic at aminado siyang naging insensitive rin niya noon sa kanyang partner.

“It’s just, iba ‘yung way ko of facing the pandemic, dealing with the pandemic. Iba rin ‘yung sa kanya. And ako, masasabi ko na somehow, I was insensitive about how she felt about the pandemic.

And I think ‘yon, mali ko rin ‘yon,” aniya.

Lahat naman daw ng bagay either hiwalayan or kaligayahan ay may pinangggagalingan.

“But again, some people face it or deal with it better, some people deal with it poorly. I cherish everything naman na pinagdaanan ko, especially the happy days. Of course, lahat ‘yon, okay ‘yon,” sey pa ng aktor.

Pero aminado rin siyang ang huling relasyon niya ay hindi niya talaga na-handle nang maayos.

“But again, as I always say, I believe that my last relationship, ‘yan ‘yong pinaka kumbaga, poorly handled ko, that I can say,” aniya.

Nasaktan din daw siya na may mga tao siyang nasaktan.

“If only I could have, you know, fixed it better na hindi siguro naging ganu’n kalaki ‘yung impact. Kasi maraming nasaktan, hindi lang naman isang tao. So, maraming nadamay. So, para sa akin, that was my mistake,” he said.

MULTI-TASKER

Dahil sa tagal na ni Konsehal Alfred Vargas na napagsasabay ang pagsisilbi sa bayan at pagiging aktor, na-master na niya ang time management at sanay na siya sa multi-tasking.

Ngayon nga ay may nadagdag pa sa schedule niya dahil nag-aaral siya. He’s taking his PhD in Urban Planning sa UP School of Urban and Regional Planning (UPSURP).

Bukod dito ang taping niya for AraBella at ang mga responsibildad niya bilang konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Nasisigurado niya ring may oras pa siya para sa kanyang pamilya.

Paano nga ba niya nagagawa lahat ‘yun?

“Dapat, ‘yung mga kasamahan mo, magagaling din saka pare-parehas kayong naniniwala sa ginagawa n’yo. Saka, halimbawa, kung sa office, swerte ako, magagaling ang staff ko saka masisipag, so nababawasan trabaho ko.

“Pag-uwi ko naman ng bahay, si misis, inaasikaso na lahat,” kwento niya.

Pagdating sa family time, talagang naka-schedule  ito.

Ang una niyang ini-schedule ay ang family time niya. Imagine, sa pagka-busy niya ay nasasamahan pa  niya ang mga anak niya sa hobby ng mga ito tulad ng swimming, volleyball at drawing lessons.

Nakakapag-out of the country sila or out of town. Bukod dito ay nagagawa pa nilang mag-date ng misis niyang si Yasmine.

Dumarating din daw siya sa time na napapagod, nai-stress o nabu-burn out at ‘pag ganito na ay humihingi na siya ng ilang araw na bakasyon para makapag-recharge.

Sa ngayon, katatapos lang niyang gawin ang pelikulang Pieta kung saan ay nakasama niya sa kauna-unahang pagkakataon ang nag-iisang Superstar.

AUTHOR PROFILE