John

Ang buhay at kamatayan ni John

June 5, 2023 Aster Amoyo 393 views

John1John2John3John4John5John6John7John8John9NAKAUSAP namin pareho ang ex-wife na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt at present wife na si Victoria `Gina’ Alonzo ng namayapang actor na si John Regala na sumakabilang buhay nung nakaraang Sabado, June 3, 2023 ng 6:28 am dahil sa kumplikasyon ng maram iniyang sakit kasama na ang cirrhosis of the liver at pagiging diabetic.

Si Aurina ay matagal nang namimirmihan sa Amerika (Goodyear, Arizona, USA) kasama ang kanyang American husband na si Stephen `Steve’ Hunt at dalawa niyang anak na si John Paul Kieffer at Christopher Manansala.

Si John Paul (28) ay ang kaisa-isang biological son ni John sa kanyang ex-wife habang si Chris ay anak ni Aurina sa iba niyang nakarelasyon after John. Wala namang anak si Aurina sa kanyang present husband na si Steve who treats her two sons like his own.

The younger John was only more than one-year old nang magkahiwalay sina Aurina at John. Aurina remarried in the US habang si John ay muling nag-asawa kay Gina who has a son from a previous relationship na trinato ring anak ni John.

John and Aurina had an adopted son na nagngangalang Gilbert (30 )na narito sa Pilipinas.

A certain John Santos (27) also claimed that his biological father was John Regala at ang kanyang inang nagngangalang Vilma Santos (not the Star for All Seasons ) ay isa umanong entertainer sa Japan noon.

According to John Santos, he was 15 nang aminin umano sa kanya ng kanyang ina na si John Regala umano ang kanyang ama. He was even willing to undergo DNA test noong 2020 para lamang patunayan na nagsasabi umano siya ng totoo. Pero ito’y natabunan ng ibang mas malalaking isyu at wala na kaming narinig patungkol dito.

Nung nabubuhay pa si John, he led a controversial and colorful life. He was in his teens nang siya’y pumasok sa showbiz at nagging bahagi ng youth oriented program na “That’s Entertainment” ng Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA na tumagal sa ere sa loob ng sampung taon, 1986 to 1996.

Si John ay mag-isang itinaguyod ng kanyang namayapang ina, ang veteran actress na si Ruby Regala habang ang kanyang biological father ay ang yumao na ring veteran actor na si Mel Francisco na related kina Robin Padilla, Rommel Padilla, BB Gandanghari at iba pa.

He had a love-hate relationship with his father, Mel na up to the time of his death ay hindi sila nagkaayos.

John’s mother, Ruby passed away in the US due to brain tumor nung January 12, 2020 habang si Mel ay pumanaw nung July 25, 2021 due to cardiogenic shock.

Months matapos pumanaw ang ina ni John ay nakaranas na ng depression ang actor dahil sa sakit at kawalan ng TV and movie projects. He was last seen sa top rating and longest-running action drama series ni Coco Martin, ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ nung 2016. Ito ay bilang tulong na rin sa kanya ng TV primetime king, actor, director at producer na si Coco.

Unti-unting nag-deteriorate ang kalusugan ng actor na may ilang beses napabalitang gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot.

May pagkakataon na nakita si John na nawalan ng malay sa bukana ng isang mall sa Cavite (kung saan siya naglagi for sometime) maging sa Pasay City kung saan siya tinulungan ng isang grab driver.

Ang unang naging manager ni John sa showbiz ay ang veteran entertainment writer na si Ronald Constantino. Naging contract talent din siya noon ng Seiko Films ni Robbie Tan kung saan siya nakagawa ng maraming pelikula pero ang OctoArts Films ang nagbigay sa kanya ng break bilang lead actor sa pelikulang “Totoy Buang: Mad Killer ng Maynila” na dinirek ng yumao na rin director na si J. Erastheo `Baby’ Navoa. He was an effective lead villain to many action stars noong dekada 80 at 90.

Naging malapit sa inyong lingcod si John nang gumawa ito ng ilang pelikula sa OctoArts Films kung saan kami konektado dati. But as a manager, he was never my talent.

Unknown to many, John would always call us up kung meron itong kailangan at dumating pa ang pagkakataon na kami na mismo ang nanghihingi ng financial help for him dahil walang-wala siya.

Nung August 2020, hindi inaasahang magkakaisa kami nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfuss, Liza Dino (na chairman pa noon ng FDCP) at dating Partylist representive na si Ronnie Ong natulungan si John.

Nagkaroon man kami ng hindi pagkakaunawaan at falling out ni John nung mga panahong `yon dahil kami pa ang napasama sa aming ginawang pagtulong, matagal na namin siyang napatawad.

Mas gusto naming siyang maaala bilang isang mahusay na actor at isang dating malapit na kaibigan.

AUTHOR PROFILE