Richard

Richard, Ian, Jake at Albert, pinagkaguluhan sa Italy

June 3, 2023 Ian F. Fariñas 267 views

Tuloy-tuloy ang paghahandog nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Jake Cuenca at Albert Martinez ng action-packed scenes sa kanilang shooting para sa hit aksyon serye na The Iron Heart sa Italya.

Nitong Linggo, tumulak ang cast at crew ng show para magpamalas ng pasabog na eksena sa iba’t ibang parte ng Roma.

Nag-post naman ang Star Creatives ng konting pasilip sa kanilang shooting doon.

Bukod sa behind-the-scenes footage, nakihalubilo rin sina Richard, Ian at Jake sa mga foreigner at turista na nakipag-picture sa kanila.

Samantala nitong Martes ay nasungkit ng programa ang kanilang panibagong all-time high viewership record na 304,208 views.

Inaabangan nga ng manonood kung ano ang sasapitin ng mga karakter nina Richard at Jake na sina Apollo at Eros at kanilang grupo matapos ang sunud-sunod na pagharang ni Priam (Albert) sa kanilang planong pagpapabagsak ng kanyang “The Iron Heart” project.

Tutukan ang The Iron Heart tuwing 8:45 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook at YouTube, Jeepney TV at TFC IPTV.

AUTHOR PROFILE