Aiko Melendez

Relasyon ni Aiko aprub na sa mga anak

July 11, 2021 Aster Amoyo 624 views

SA October ay magpu-four years na ang relasyon ng magkasintahang Aiko Melendez at vice-governor ng Zambales na si Jay Khonghun. Matagal na ring tanggap ng kanilang respective families ang kanilang relasyon kaya proposal at kasal na lamang ang kulang sa dalawa.

Aiko Melendez

The actress-politician has been married twice and annulled. Una sa kanyang ex-husband na si Jomari Yllana kung kanino siya may isang anak na si Andrei Yllana (22) at pangalawa kay Martin Jickain kung kanino naman may isang daughter na si Marthena Jickain (14).

Aiko Melendez

Inamin ng young actor na si Andrei na nung bago pa lamang ang relasyon ng kanyang Mama (Aiko) kay VG Khonghun ay hindi umano sila pabor ng kanyang sister na si Mathena dahil ayaw umano nilang makitang masaktan at umiyak muli ang kanilang ina. Pero sa kalaunan ay natanggap nila ang relasyon ng dalawa dahil nakita naman nila kung gaano ito kasinsero at kamahal ang kanilang ina maging ang kanilang pamilya.

Close din sina Andrei at Marthena sa only son ng kanilang Tito Jay na si Justine.

VG Khonghun is running for Congress representing Zambales sa darating na national and local elections habang babalik sa political arena ang award-winning actress-politician na si Aiko na tatakbo din sa pagka-kongresista ng 5th distict ng Quezon City.

Kung matatandaan pa, si Aiko ay siyam na taon o tatlong termino naging konsehal ng ikalawang distrito ng Quezon City mula 2001 hanggang 2010. Sumubok naman siya sa pagka-vice-mayor ng QC pero hindi siya pinalad kaya nag-focus siya muli sa kanyang acting career that she started doing since she was a child star in 1981.

Hindi ikinakaila ni Aiko na maihahalintulad ang kanyang buhay sa isang roller coaster dahil marami umano siyang ups and downs pero natuto naman siyang maging matatag as a person.

Thankful si Aiko that her mom Elsie Blardony has always been with her to support and guide her maging sa kanyang dalawang anak na sina Andrei at Marthena.

“My kids adore their grandma,” pag-amin ni Aiko.

“Thankful din ako sa Mama ko dahil utang ko sa kanya kung anuman ako ngayon,” pahayag pa ni Aiko.

Aminado si Aiko na kanyang mini-me ang kanyang bunsong anak na si Marthena habang si Andrei naman ay look-alike ng kanyang dad na si Jomari.

Kahit matagal nang hiwalay si Aiko sa dalawa niyang ex-husbands na sina Jomari at Martin ay napanatili nila ang kanilang pagkakaibigan dahil na rin sa mga bata.

“Ayoko kasing makita ng mga anak ko na nagha-harbor ako ng ill feelings towards their father. Gusto kong maging normal ang kanilang paglaki na kahit hindi kami magkakasama bilang isang pamilya ay bukas naman ang kanilang relasyon sa kanilang ama,” paliwanag ng award-winning actress.

Although nasanay ang mga taong napapanood si Aiko sa mga lead roles, lumutang lalo ang kanyang husay sa pag-arte when she started doing contravida roles laluna sa “Wildflowers” TV series ng ABS-CBN at “Prima Donnas” ng GMA.

“After “Prima Donnas,” I want to re-invent my self. Ayoko naman ng puro contravida roles ang gagampanan ko. Gusto ko mix para balance,” aniya.

Masayang-masaya si Aiko sa takbo ng kanyang buhay ngayon. Nagkakatulungan umano sila ni VG Khonghun laluna pagdating sa public service na isa sa kanilang common interests.

Ang dahilan ng tagumpay ni Jestoni

TIKOM pa ang bibig ng actor-politician na si Jestoni Alarcon pagdating sa kanyang tatakbuhang posisyon sa darating na halalan. Di pa umano niya malaman kung tatakbo siyang muli sa ibang posisyon dahil last term na niya ang pagiging bokal ng Rizal kung saan din siya nanilbihan bilang vice-governor at councilor.

Jestoni Alarcon

Kapag nagpapahinga si Jestoni sa kanyang political career, naka-focus naman siya sa kanyang acting career kung saan siya unang nakilala.

Bukod sa kanyang namayapang manager na si Vir Mateo, tumatanaw din ng utang na loob ang actor-politician sa namayapang star builder na si Kuya Germs (German Moreno) at sa businessman at film producer na si Robbie Tan dahil sila ang kanyang naging mga gabay nang pasukin niya ang showbiz when he was on his teens.

Si Jestoni ay mag-isang itinaguyod ng kanyang ina na nagtrabaho noon bilang isang lady guard. Nang magsimulang mag-showbiz si Jestoni ay huminto na sa trabaho ang kanyang ina at ito na umano ang nag-asikaso ng kanyang mga kailangan.

Bukod sa mga drama at sexy movies, Jestoni was also built-up bilang isang action star.

On December 5, 1991, he married his lovely wife na si Lizette Alarcon, isang Filipina-American na kanyang nakilala in Los Angeles, California, USA in one of his shows. Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng tatlong anak na sina Jessica, Angela at Pierce na lahat na tapos sa kanilang pag-aaral except the eldest na nagpatuloy sa medicine. Si Angela ay nagtapos na cum laude sa University of the Philippines at isang chemist naman si Pierce. Sa tatlong mga anak nina Jestoni at Lizette, si Angela lamang ang pumasok sa showbiz. Isa siya ngayon sa mga build-up talent ng GMA Artists Center.

Bilang magulang, sobrang proud si Jestoni sa kanyang mga anak na hindi umano nagbigay sa kanila ni Lizette ng problema.

“Masuwerte kami ni Lizette na lumaking mababait at marespeto ang mga anak namin at nag-focus talaga sa kanilang studies,” proud na pahayag ni Jestoni.

“Showbiz has taught me a lot,” deklara ni Jestoni. “Dito ko unang natutunan ang pakikipagkapwa tao at pagiging pasensyoso,” aniya.

“Kapag maganda ang relasyon mo sa tao, malayo ang mararating mo,” dugtong pa niya.

Never din inisip ni Jestoni na papasukin niya ang public service dahil nangyari na lamang umano ito nang hindi niya inaasahan.

“Naiintindihan ko ang mga nasa ibaba dahil pinagdaanan ko `yan. Kailangan lamang marunong kang lumingon sa pinagmulan mo,” patuloy pa ng actor-politician.

Subscribe, like, share and hit the bell icon ng “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Instagram@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE