Arthur

Arthur, ‘perfect 10’ kay Janine

July 11, 2021 Ian F. Fariñas 353 views

janineFIRST time magkatrabaho nina Janine Teñoso at Arthur Nery sa Pelikula, ang unang single sa bagong labas na EP ng dalaga, Kwento sa Silid, pero perfect 10 agad ang rating na ibinigay nito sa pagsasama nila.

Sa virtual launch ng Kwento sa Silid na released ng Viva Records, kapansin-pansin ang pagba-blush ni Janine tuwing natatanong ng press tungkol kay Arthur.

Parehong single sina Janine at Arthur. Puring-puri rin ng una ang huli.

Magaling daw na composer si Arthur at marami siyang natutunan dito pagdating sa songwriting.

Maging ang netizens, “ship” na “ship” sa collab ng dalawa kahit pa meron din namang nagseselos sa pagiging close nila.

Ani Janine, sobrang natutuwa siya at grateful sa suporta ng fans at listeners sa Pelikula.

Nang tanungin kung meron na bang rason para magselos sa kanya ang ibang “shippers” ni Arthur, ang tanging naisagot ni Janine ay, “’Di ko po alam,” sabay pakawala ng matamis na ngiti.

Anyway, aniya ang ideya ng Pelikula (at maging ang apat pang kanta na nasa Kwento sa Silid) ay nabuo sa pamamagitan lamang ng Instagram chat.

Matagal na raw niyang gusto na makipag-collab, 2018 pa, pero ngayon lang nagka-time magsulat si Janine.

Inamin pa niya na heartbroken siya nu’ng sinusulat ang mga kanta na halos lahat ay entries sa kanyang journal.

“Pero na-let go ko na, the art of letting go. That it’s okay to be alone. Once a relationship ends, mare-realize mo more about yourself. I’ve finally learned to be okay with being alone, not lonely though,” tukoy ni Janine.

Anytime this week ay kukunan na ang music video ng Pelikula kaya naman muling magkakasama sina Janine at Arthur.

Sa dami ng nagru-root sa collaboration nila, lagpas daang libo na ang nakinig sa Pelikula sa Spotify.

Maliban sa nasabing awitin, naglalaman din ang Kwento sa Silid na unreleased tracks gaya ng Ghosts In The Room, ang first English song na isinulat ni Janine mula nang ilabas ang debut single niyang Fall noong 2017.

Nariyan din ang previously released na The Art Of Letting Go at Paano, na isinulat niya kasama si Euwie Von Loria ng This Band at ang recut version ng Umibig Muli, ang 2020 song kung saan ka-duet niya ngayon si Sam Concepcion.

AUTHOR PROFILE