Rayver

Rayver ‘di na magsasampa ng cyberlibel, nangakong si Julie Anne ang mamahalin habang buhay

March 19, 2024 Eugene E. Asis 127 views

WALA nang balak magsampa ng kasong cyberlibel si Rayver Cruz laban sa mga netizen na tumawag sa kanya ng “sabog” at “nakadroga” dahil sa naging “hyper behavior” niya habang nagla-live stream sila ng girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Sa katunayan, makalipas ang isa o dalawang araw mula nang pumutok ang isyu, muling pinakilig ng binata ang fans nila ni Julie Anne sa pamamagitan ng social media.

Parang hindi naman masyadong naapektuhan ang Kapuso actor at TV host sa ginawang paninita sa kanya ng mga netizen.

Ito’y sa kabila nga ng natanggap na mga komento mula sa mga nakapanood ng video nila ni Julie Anne na kuha sa kanilang live stream. Ang feeling ng mga bashers “sabog” o “bangag” daw ang binata.

“May pa drug test ba kayo@gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e. Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana?

Tamang laughtrip at kita na sabog e,” ang matapang na post ng isang netizen.

Inalmahan ito Julie Anne at sinabihan ang mga netizen na tigilan na ang pagdya-judge sa kanyang boyfriend. Nag-post siya sa comment section ng naturang post sa X (dating Twitter).

“Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop,” banat ni Julie Anne.

Nakatulong din siguro ang agad na pagso-sorry ni Rayver sa publiko para mamatay agad ang isyu at hindi na lumala pa.

Post ng Kapuso star, “Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love.

“She knows that, she knows me. I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie.

“My mom raised me right. Hinawakan ko yung bohok nya na lagi kong ginagawa sa mga iba pa namin videos pag magkasama kami pero kung iba po ang dating sa ibang tao wala na po ako magagawa don,” aniya pa.

Dugtong ng aktor, “I respect Julie sobra sobra and sobra ko syang mahal pati ang family nya. Pangalawa, may respeto ako sa trabaho ko at sa mga katrabaho ko. Hinding hindi ako gagawa ng makakasira dun. At sana, matuto na rin tayo rumespeto sa iba at maging malawak ang pag-iisip. Salamat po and goodnight!”

Kasunod nga nito, muling nag-post si Rayver ng litrato nila ni Julie Anne na may pamatay na caption na, “Si @MyJaps lang ang mamahalin ko habang buhay hehe (red heart emoji).

Let’s go team sun!!”

AUTHOR PROFILE