AZI Larawan mula sa IG/Azi Acosta

Malikot sa kama

March 19, 2024 People's Tonight 167 views

IBA’T IBANG posisyon sa kama ang ginawang exhibition ng Vivamax actress na si Azi Acosta.

Sa Instagram page ng sexy star nitong Lunes, Marso 18, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan makikitang malikot siya sa kama.

Mala-kunehong nawawala sa kagubatan man ang dating ng kainosentehan sa mukha ni Azi sa mga larawan, halimaw naman kung sumipa ang taglay niyang kaseksihan.

Suot ni Azi ang isang pink lingerie kapares ang white high socks na nakadagdag sa mapang-akit niyang awra.

Bidang-bida ang makinis na legs ng hot actress sa mga larawan, mala-pain ito sa mga barakong madaling bingwitin na bet na bet siyang kagatin sa kanilang pantasya.

Sabik na sabik na nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na magkaroon si Azi ng panibagong proyekto sa Vivamax.

Nakilala si Azi sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Erotica Manila (2023), Sitio Diablo (2022) at Sugar Baby (2023).

AUTHOR PROFILE