Reyna Larawan mula sa IG/Ataska Mercado

Reyna ng tukso

March 19, 2024 People's Tonight 85 views

PINANINDIGAN ng singer-songwriter at Vivamax actress na si Ataska Mercado ang kanyang pagiging “mapanukso.”

Sa kanyang Instagram page nitong Lunes, Marso 18, ibinida ng sexy star ang kanyang takaw-pansing sex appeal sa ilang promotional pictures sa kalalabas niyang bagong pelikula.

Tampok si Ataska sa isang Vivamax original film na pinamagatang ‘MAPANUKSO’ sa direksyon ni Jose Abdel Langit. Nakasama niya sa nasabing pelikula ang ilang bituin ng Vivamax kabilang na sina Sean De Guzman, Tiffany Grey, Rica Gonzales, at Marco Gomez.

Biyaheng langit ang taglay na ganda ng katawan ni Ataska sa mga in-upload na larawan. Mabubusog ang kahit na sinong kelot sa katakam-takam niyang hubog habang suot ang pulang two-piece lingerie.

Pamilyar ang mga tao kay Ataska dahil bukod sa mga musika nito, tampok din ang dalaga sa mga palabas kabilang na ang Bisyo! (2023), Miss Granny (2018) at Sensitive and in Love (2020).

AUTHOR PROFILE