Kulong

Piping bebot ‘iniskoran’ ni lolo, tiklo

February 18, 2024 Melnie Ragasa-limena 84 views

NAHAHARAP sa kasong panghahalay ang 66-anyos na lolo dahil umano sa pangmomolestiya sa 17-anyos na dalagitang pipi sa Quezon City noong Sabado.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Police Station (PS-3), naganap ang insidente sa pagitan ng ala-1:40 hanggang alas-2:00 ng hapon sa bahay ng suspek.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PSSg Kimmy A Talang, may nakakita umanong ipinasok ng suspek ang 17-anyos na dalagita sa loob ng kanilang banyo at doon minolestiya.

Nakapag-sumbong ang biktima sa pamamagitan ng pagsenyas sa kaniyang ina tungkol sa kahalayang ginawa sa kaniya ng suspek.

Agad na nagtungo ang ina, kasama ang anak, sa mga opisyal ng kanilang barangay at inireklamo ang suspek dahilan kaya inaresto ang matanda ng pulisya.