Baril

Sekyu namaril, huli ng parak

February 18, 2024 Jonjon Reyes 258 views

HULI ang security guard dahil sa pagpaputok ng baril noong Sabado sa corner ng S. Padilla at Yuchengco Sts. sa Binondo, Maynila.

Kasong paglabag sa Republic Act 10591 ang haharapin ng suspek na si alyas Mark, 32, ng Matiisin St., Binondo, Maynila.

Base sa ulat ni Police Corporal Jhancer Cabuñas, bandang alas-11:30 ng gabi nang makarinig ng putok ng baril ang ilang residente sa lugar.

Nagsumbog ang isang testigo sa mga pulis na noo’y nagsasagawa ng Oplan Galugad sa nasabing lugar,.

Sa utos ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, agad na rumesponde ang mga operatiba sa area para arestuhin ang suspek.

Agad na natimbog ang sekyu. Nabawi sa kanya ang cal. 38 na baril na kargado ng isang fired cartridge case at limang bala.

AUTHOR PROFILE