Baby na-kidnap ng bebot, ermat todo iyak
DUMULOG sa Manila Police District (MPD)-Ermita Police Station 5 ang ina para humingi ng tulong para ma-recover ang nawawala niyang 7 buwan na anak na tinangay ng babae sa Ermita, Maynila noong Sabado.
Ayon kay Alpha Mercado, iniwan niya ang sanggol sa lolo ng bata dahil papasok siya sa trabaho.
Habang nasa Plaza Ferguson ang lolo karga ang sanggol may nakakwentuhan na babae ang lolo.
At dahil nakagaanan na ng loob, hinabilin ng matanda sa babae ang sanggol para pumunta sa toilet pero pagbalik wala na ang babaeng suspek at kanyang apo.
Nang i-review ang mga kuha ng CCTV sa lugar, namataan ang suspek na pumasok sa convenience store. Wala na silang makuhang iba pang footage.
May mensahe sa FB ang babae at sinasabing ipinaampon sa kanya ng lolo ang sanggol dahil hirap ng mag-alaga sa bata.
Itinanggi ni Mercado na ipinaampon niya ang kanyang sanggol. “Kung ipinaampon ko bakit ko pa iiwan sa tatay ko,” ayon pa sa ginang.
Sa ngayon, hindi na nako-kontak ang babae