Piolo natupad ang pangarap na sitcom

February 13, 2022 Aster Amoyo 436 views

KUNG matatandaan, ang Kapamilya heartthrob na si Piolo Pascual ay sandalling naging bahagi ng dating sitcom ng ABS-CBN, ang “Home Sweetie Home” and the reformatted sitcom na “Home Sweetie Home Extra Sweet” na dati’y pinagbibidahan nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga nang biglaang magpaalam sa programa si John Lloyd in October 2017. Umasa ang bumubuo ng production ng sitcom na sandali lamang mawawala sa programa si John Lloyd kaya pansamantala nilang kinuha si Piolo to be part of the sitcom pero sa kalaunan ay umalis din siya sa nasabing show na nagtapos sa ere nung March 2020 bago nawala ang prangkisa ng Kapamilya network a couple of months later.

Hindi ikinakaila ni Piolo na gustung-gusto niyang gumawa ng weekly sitcom originally designed for him at ito’y nagkatotoo. Ang bago niyang sitcom, ang “My Papa Pi” ay magsisimulang mapanood sa March 5, Saturday at 7 p.m. sa Kapamilya Online Live, A2Z, iWant TFC at TFC.

In the show, Piolo is Pipoy, ang twin brother ni Popoy na gagampanan naman ni Pepe Herrera at meron silang common love interest, si Tere na ginagampanan naman ng 2018 Miss Universe na si Pia Wurtzbach at pinamamahalaan ng TV and movie box office director na si Cathy Garcia-Molina. Kasama rin sa serye sina Joross Gamboa, Alora Sasam, Katya Santos, Daisy Lopez (Madam Inutz) at dalawa sa lead stars ng 2021 Metro Manila Film Festival movie na “Love at First Streams” na sina Anthony Jennings at Daniella Stranner.

Hindi pa man nagsisimulang mapanood ang “My Papa Pi” ay marami na ang natatawa dahil kakambal niya sa sitcom si Pepe Herrera.

Una nakatrabaho ni Piolo si Direk Cathy in 2008 sa fantasy-horror TV series na “Lobo” na pinagtambalan nila ni Angel Locsin.

Before the pandemic, dapat sana’y si Direk Cathy ang magdidirek ng reunion movie project nina Piolo at Claudine Barretto pero hindi na ito natuloy dahil bukod sa pandemya ay nawalan pa ng prangkisa ang ABS-CBN nung July 2020.

Sandali ring nawala si Piolo sa bakuran ng ABS-CBN nang tanggapin nito ang hosting job ng “Sunday Noontime Live” produced by businessman and politician na si Albie Benitez sa TV5 at nakatapat ng “ASAP Natin `To,” ang programa na kanya ring pinagmulan. Pero bumalik si Piolo sa ABS-CBN at dalawang bagong programa kaagad ang ibinigay sa kanya, ang weekly sitcom na “My Papa Pi” at ang bago niyang TV drama series na “Flower of Evil” na pinagtatambalan nila ng bagong Kapamilya na si Lovi Poe.

KrisHeartAng gustong birthday gift si Kris

SA araw na ito ng mga puso, Valentine’s Day ay kaaraawan ng ilang celebrities tulad nina Kris Aquino, Heart Evangelista, John Prats, Donna Cruz, former Sen. Juan Ponce Enrile at iba pa.

Kris turns 51, Heart will be 37, John is 38, Donna is 45 habang ang dating Justice Secretary at Defense Minister nung panahon ni dating Ferdinand Marcos at naging senador at senate president ay 98 years old sa araw na ito.

Tiyak na magkakaroon sila ng iba’t ibang celebration sa kanilang respective birthdays pero si Kris ay ilalaan lamang niya ito sa kanyang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, pamilya at malalapit na kaibigan.

Marami naman ang nagwu-worry sa patuloy na pagbagsak ng kalusugan ni Kris kaya dasal ang hinihingi nitong birthday gift sa halip na material na bagay.

Kahapon, February 13 ay ika-69th birthday ng yumaong Total Entertainer na si Rico J. Puno.

Bianca kapalit ni Toni bilang main host ng PBB

DAHIL sa hindi inaasahang pag-alis ng singer-actress, host at movie producer na si Toni Gonzaga sa franchise reality show ng ABS-CBN, ang Pinoy Big Brother where she acted as the main host sa loob ng 16 na taon, ang kanyang co-host at dating PBB celebrity housemate na si Bianca Gonzales ang na-elevate bilang main host. Kasama rin ni Bianca ang iba pang ex-PBB housemates na sina Melai Cantiveros, Kim Chiu, Enchong Dee at Robi Domingo.

From “Eat Bulaga” ng GMA to ABS-CBN,Toni is expected to join the newly-founded broadcast network, ang Advanced Media Broadcasting System na pag-aari ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE