PGH Ang mga inilikas na pasyente ng PGH. Kuha ni JONJON C. REYES

PGH nasunog, mga pasyente inilikas

March 13, 2024 Jonjon Reyes 149 views

PGH1PGH2PGH3PGH4PGH5INILIKAS ang mga pasyente ng Philippine General Hospital (PGH) matapos sumiklab ang sunog sa isang gusali ng ospital Miyerkules ng hapon.

Nanatiling nasa ikatlong alarma ang sunog kaya hindi pa pinababalik ang mga pasyente sa kani-kanilang ward.

Siniguro naman ng mga kawani ng ospital at ilang mga responders, volunteer ang kaligtasan ng mga pasyente na pansamantalang pinagpahinga sa kalsada sa kahaban ng Padre Faura.

Alas 3 ng hapon ng makumpirma ang sunog sa government building ng ospital.

Ayon sa ilang bantay ng mga pasyente, minabuting hindi muna sabihin sa mga pasyente na may sunog dahil baka sila ay magpanic hangga’t hindi sila nailikas isa-isa

Maagap naman ang pagdating ng mga bumbero mula sa ibat-ibang lugar maging ang volunteer ng Philippine Red Cross, MDRRMO.

Inaalam pa sa ngayon ang sanhi ng sunog. Iniimbestigahan ang umano’y nangyaring pagsabog bago nagkasunog.

Pansamantala ring isinara ang kahabaan ng Padre Faura dahil inukopahan na ng mga fire truck .

Nagdulot din ng trapiko ang insidente sa kahabaan din ng Taft Avenue .

Patuloy pa rin ang pagdating ng mga bumbero at hindi pa idinedeklarang fire under control.

AUTHOR PROFILE