Default Thumbnail

2 kasambahay nagnenok ng P5M; amo nasa bakasyon

March 13, 2024 Melnie Ragasa-limena 74 views

NAHAHARAP sa kasong qualified theft ang dalawang kasambahay nang pagnakawan umano ang bahay ng kanilang amo at kunin ang mga alahas na nagkakahalaga ng P5 milyon habang nagbabakasyon ang mga ito.

Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District– Pasong Putik PS 16 sina Ernesto Baria, 44, boy/helper at Elena Suba, 53, housemaid at kapwa stay-in sa bahay ng kanilang amo sa Villa Vienna Village, Neopolitan, Brgy. Greater Lagro, ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Emmanuele Guting QCPD- Pasong Putik PS-16, nangyari ang pagnanakaw mula Marso 8 hanggang 11 sa bahay ng biktimang si Mark Erwin Munoz, 38, negosyante.

Sa pahayag ni Munoz, umalis silang kanilang pamilya at nagtungo sa kanilang resort noong Marso 8 hanggang sa dumating sila ng Marso 11.

Dito niya nadiskubre ng 16-anyos na anak ng biktima na bukas ang vault at nawawala ang mga alahas.

Agad na kinuwestiyon ang mga suspek subalit todo tanggi ang mga ito sa insidente.

Nagpasya na silang halughugin ang gamit ng suspek na si Suba at nakita ang isang diamond ring na nagkakahalaga ng P750,000 at gardening gloves sa isang eco bag.

Ang mga suspek ay isang buwan nang naninilbihan sa biktima.