Drugs Inihayag ni RD PRO.7 PBGen. Anthony A Aberin ang kanilang naging accomplishment kaugnay sa pagkaka timbog sa isang lalaki na nahulihan ng mahigit 10 million halaga ng droga sa Cebu city..

P10M shabu nakuha mula sa HVI sa Cebu

April 10, 2024 Jonjon Reyes 141 views

NATIMBOG ang isang 26-anyos na lalaki na kabilang sa talaan ng Regional High Value Individual Target sa Cebu City ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU -PRO 7) sa buy-bust operation na isinagawa Martes ng gabi sa Brgy. Bacayan, Cebu City.

Kinilala ni Regional Director Police Brig.General Anthony A. Aberin ng Police Regional Office 7 (PRO7) Cebu ang suspek na alyas Kenneth, binata, at residente ng nasabing rehiyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article ll ng Republic Act 9165.

Base sa ulat ni Police Master Sargent Jeoram Desucutan, may hawak ng kaso, bandang 7:45 p.m. nang ikasa ang buy-bust kung saan nakumpiska ang shabu na tumitimbang 1500 gramong at may street value na P10,200,000.

Ayon naman kay Aberin buo ang kanilang pagsuporta sa naging pahayag ni Chief PNP Police General Rommel Francisco Marbil sa kampanya kontra droga.

AUTHOR PROFILE