Default Thumbnail

Natiklong rob suspek, huli sa iligal na droga

May 24, 2023 Jonjon Reyes 273 views

MULING natimbog ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District (MPD) ang isang 21-anyos na nakakulong na lalaki dahil sa kasong robbery at muli na naman inaresto matapos na madiskubreng may nakabinbin pang isang paglabag dahil sa iligal na droga matapos isilbi ang arrest warrant nito sa loob mismo ng piitan sa United Nations (UN) Avenue, Ermita, Maynila nitong Miyerkules ng hapon.

Dahil dito, nagpasalamat naman si MPD Director P/BGen. Andre P. Dizon, dahil hindi nagpabaya ang mga kapulisan sa pamumuno ni P/Maj. Rommel Reyes Purisima matapos na madiskubre na ang suspek na taga Binondo ay may dalawang kasong kinahaharap.

Nauna rito, habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad” at “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) sa pangunguna ni P/Lt. Lyn Del Monte, team leader ng DSOU, kasama si PEMS Dedimo Alviar Jr. at ilan nitong tauhan ng bandang 8:30 ng gabi, Lunes nang mamataan ang suspek habang nakatambay sa Parola Compound sa tulong ng isang impormante.

Inihain ang arrest warrant nito sa kasong “robbery” sa ilalim ng Revised Penal Code Article 294 na may piyansang P100,000.

Habang nasa kustodiya ng DSOU ang suspek, dito nadiskubre ang pangalawang kaso nito na ibinaba ni Judge Emilio Rodolfo Legaspi lll, Regional Trial Court Branch 13 ng Maynila sa paglabag sa Republic Act 9165 Anti-Drugs Law na may petsang Nob. 4, 2021.

AUTHOR PROFILE