Morissette ibinulgar na kasal na sila ni Dave

January 29, 2022 Aster Amoyo 673 views

MorisetteTWENTY-five-year-old singer, composer, recording artist, performer and one of the homegrown divas of ABS-CBN’s “ASAP Natin `To,” Morissette Amon has announced in her vlog that she’s been married for months to her fiancé na isa ring singer at composer na si Dave Lamar. Pero hindi niya ibinahagi ang eksaktong petsa ng kanilang kasal na nangyari nung nakaraang taon sa The Old Grove Farmstead in Lipa, Batangas. Hindi rin malinaw kung dumalo ang family ni Morissette sa kasal nila ni Dave dahil nagkaroon sila noon ng tampuhan ng kanyang ama nang siya’y lumayas sa kanilang bahay to be on her own. Hindi rin noon aprubado ang ama ni Morissette sa kanyang boyfriend pa lamang noon na si Dave.

Sina Morissette at Dave ay unang nagkakilala at naging magkaibigan when both of them joined TV5’s reality talent show, “Star Factor” kung saan ang una ay naging runner-up. She was only 14 years old then. This was in 2010. Ito’y nasundan nang sila’y sumali sa unang season ng “The Voice Philippines” in 2014 under Sarah Geronimo’s team hanggang sa maging sila. The couple got engaged nung December 21, 2020.

FrancineFrancine at Kyle tapos na?

TAPOS na ba ang loveteam nina Francine Diaz at Kyle Echarri? Ito ngayon ang katanungan ng kanilang mga fans dahil pagkatapos nilang magtambal sa “Kadenang Ginto,” “Bawal Lumabas” at sa “Huwag Mangamba” ay tila nawalan na rin ng constant communication ang dalawa lalupa’t may mga lumabas na balita na may iba umanong pino-pormahan ang young singer-actor.

Franchine, who turned 18 last January 27 was given her debut party ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Pagkatapos ng primetime TV series na “Huwag Mangamba” na huling pinagsamahan nila nina Andrea Brillantes, Kyle at Seth Fedelin, gumawa si Francine ng digital anthology na “Click, Like, Share” sa “Cancelled” episode kung saan naman niya nakatrabaho si Renshi de Guzman. In her upcoming new iWant TFC original series, ang “Bola-Bola,” a book-adaptation na sinulat ni Anna Geronga, tatlong young leading men ang makakatrabaho ng young star, sina KD Estrada, Ashton Salvador at ang BGYO member na si Akira Morishita. Ito’y pamamahalaan ni JP Habac bilang director at nakatakdang magsimula ang lock-in taping ngayong Pebrero.

Bukas si Francine na makatrabaho ang iba’t ibang kapareha at hindi siya matatak sa iisang ka-loveteam lamang.

Samantala, si Francine ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya dahil wala nang trabaho ang kanyang dating OFW father. Siya’y pangatlo sa anim na magkakapatid at dating nakatira sa Cavite. Dahil sa kanilang mahirap na kalagayan noon, nagpalipat-lipat umano sila ng tirahan. Pero dahil kay Francine ay unti-unti niyang nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at may sarili na rin silang bahay at sasakyan.

Ang buhay ni Francine ay maihahalintulad sa isang modern-day Cinderella story. Isa na rin siyang successful vlogger with over 1.29-M subscribers.

Rose vanRose Van handa na sa more sexy roles

IN 2009, ang Filipino-Dutch singer-actress na si Rose Van Ginkel ay nagsimula bilang isa sa mga miyembro ng all-girl group na Pop Girls pero ito’y na-disband in 2017 at naging daan ng kanyang pagiging solo artist. On June 17, 2016, her debut single “Ulit” was released.

Taong 2014 naman nang siya’y mapasama sa pelikulang “Diary ng Panget” at “Talk Back and You’re Dead” na parehong pinagbidahan ng dating magkasintahang James Reid at Nadine Lustre at nagtuluy-tuloy ang kanyang paggawa ng movies kesa recording.

She was re-launched into a sexy actress in January 2021 sa pamamagitan ng pelikulang “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” na dinirek ni Darryl Yap at kung saan din na-launch ang sexy star na ngayon na si AJ Raval. Nagtuluy-tuloy ang pamamayagpag ni AJ bilang reigning sexy star sa bakuran ng Viva leaving Rose Van behind. Naungusan pa siya ng ilang baguhang sexy stars ngayon tulad nina Jela Cuenca, Angeli Khang, Cara Gonzales at iba pa.

Although singing talaga ang passion ni Rose Van, she admitted na enjoy din siya sa kanyang acting career. Huli siyang napanood sa pelikulang “Gluta” at “69 + 1” na parehong ipinalabas sa Vivamax streaming app nung isang taon. Siya’y nagbabalik ngayong Pebrero 18 sa pamamagitan ng isang panibagong sexy movie, ang “Boy Bastos” na kanilang pinagtatambalan ng singer-composer-turned sexy actor na si Wilbert Ross kasama ang sexy actress na si Jela Cuenca. Ito’y pinamahalaan ng “Patay na si Hesus” director na si Victor Villanueva.

Kakaibang Rose Van ang mapapanood sa “Boy Bastos” where she plays the role of a sexy teacher na si Katey at magiging estudyante naman niya si Felix played by Wilbert na ang kasintahan naman sa pelikula ay si Cathy played by Jela.

Hindi lamang naging teacher in school ni Felix si Kathey kundi maging in life and sex.

Dahil sa “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar,” “69 + 1” at itong bago niyang movie na “Boy Bastos,” mukhang handang-handa na si Rose Van na sumabak at makipagsabayan bilang all-out sexy star.

Jela walang takot

BUKOD kina AJ Raval, Angeli Khang, Cara Gonzales at iba pa, mabilis ding nakilala bilang sexy actress si Jela Cuenca na naging daring at palaban sa kanyang dalawang naunang sexy movies, ang “Taya” at “Palitan” na magkahiwalay na pinamahalaan nina Roman Perez, Jr. at ang premyadong director na si Brillante Mendoza.

Walang takot si Jela pagdating sa hubaran at intimate scenes with her partner sa pelikulang kanyang ginagawa. Sa kanyang bagong sexy comedy-movie, ang “Boy Bastos” where she is paired for the very first time with Wilbert Ross, ipinakita rin ng sexy actress ang hiningi ng istorya at ng director na si Direk Victor Villanueva.

MorissetteCarlo at partner, hiwalay na rin?

UNANG buwan pa lamang ng taon ay may tatlong celebrity couple kaagad ang napapabalitang hiwalay na – ang bagong mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang magkasintahang Diego Loyzaga at Barbie Imperial at ang mag-partner na sina Carlo Aquino at non-showbiz girlfriend na si Trina Candaza.

It was reported before na si Trina umano ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang pagkakabalikang-muli ng dating magkasintahang Angelica Panganiban at Carlo.

Sina Carlo at Trina ay meron nang anak, ang four months old na si si Enola Mithi Aquino na isinilang nung September 13, 2021.

Dahil sa mga cryptic posts ni Trina sa kanyang Instagram account, naniniwala ang netizens na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Carlo at tila may third party umano sa hiwalayan ng dalawa.

Pero sa kabila ng mga nasusulat at napapabalita tungkol sa respective break-up ng tatlong celebrity couple, wala ni isa man sa kanila ang nagkumpirma nor nag-deny sa balita. But in the long run ay lalabas din naman ang totoo sa mga naglalabasang balita.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo”. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE