Toni

Mister na si Paul ang nagsulsol kay Toni na mag-produce

December 7, 2021 Aster Amoyo 303 views

KAHIT pareho nang may-asawa ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, bukas pa rin ang kanilang komunikasyon sa isa’t isa. At kahit nasa magkahiwalay na silang bahay, very close din ang magkapatid sa kanilang respective husbands, ang director-producer na si Paul Soriano at ang entrepreneur-politician na si Michael `Mikee’ Morada. At mahal na mahal ni Alex ang pamangkin, ang five-year-old son ng mag-asawang Toni at Paul na si Seve (Severiano Elliott).

Si Toni ang unang tinawagan ni Alex nang siya’y mabuntis at magka-miscarriage last October.

Hindi lamang magkapatid ang turingan nina Toni at Alex kundi the best of friends pa. They are always there for each other kahit may sarili na silang mga pamilya. Mag-business partners din sila.

Bukod sa kanilang tea business na marami na ang branches at franchises, part-owner din si Alex sa itinatag na film outfit ni Toni, ang TinCan Productions na siyang producer ng kanilang 2021 Metro Manila Film Festival entry na “ExorSIS” mula sa panulat at direksiyon ng kanilang kaibigan, ang ex-PBB housemate na si Fifth Solomon. Ang TinCan Productions din ang nag-produce ng kanilang 2018 MMFF hit movie na “Mary, Marry Me” na kanila ring pinagbidahan kasama ang actor na si Sam Milby.

Ayon kay Toni, ang kanyang husband na si Direk Paul ang nag-encourage sa kanya na mag-produce kahit may sarili nang film outfit ito, ang Ten17P Productions.

“Gusto kasi ni Paul na maintidihan ko rin ang film production and he’s there to support me,” ani Toni.

Ang “ExorSIS” ay tinatampukan din ng kanilang close friend, ang ex-PPB big winner-turned actress-comedienne at TV host na si Melai Cantiveros. Ito’y matutunghayan sa mga sinehan sa darating na December 25, araw ng Pasko na tatagal hanggang January 7, 2022.

Gonzaga family big on Youtube

SAMANTALA, bukod sa pagiging singers, actresses at entrepreneurs ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, dalawa rin sila sa mga top YouTubers ng bansa at pareho silang pasok sa Top 10 content creators in the Philippines. Ang nakakatuwa, pumasok naman sa Top 10 Breakthrough Creators ang parents ng magkapatid na sina Pinty at Bonoy Gonzaga who placed at No. 9.

Sa laki ng kinikita ng magkapatid na Toni at Alex maging ng kanilang parents sa pagiging vloggers, kahit tumigil na sila sa kanilang respective careers ay malaki pa rin ang kanilang take home pay mula sa pagba-vlog.

Take the case of sexy actress and top vlogger na si Ivana Alawi. Wala siyang pinagkakaabalahang pelikula o TV series pero napakalaki ng kanyang kinikita as the no. 1 content creator ng Pilipinas. Top vlogger din ang younger brother ni Ivana na si Hash Alawi.

JannoJanno, Andrew at Dennis ‘di nagbabago ang samahan

SA tatlong magkakaibigan at bida ng pelikulang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! (O Sige!)” na sina Janno Gibbs, Andrew E. at Dennis Padilla, masasabing ang huli (Dennis) ang panganay sa kanyang tatlo at mas naunang pumasok sa showbiz na sinundan ni Janno nung mid-80s habang si Andrew E. nung 90s.

Unang nagsama sa isang pelikula ang tatlo sa “Si Mokong, si Astig at si Gamol” na dinirek ng yumaong actor-director na si Jun Aristorenas under Viva Films. At pagkatapos ng nasabing pelikula ay nagkani-kanya na sina Janno, Dennis at Andrew E. sa kanilang respective solo careers.

After 22 years ay muling pinagsama ng Viva Films sina Janno, Dennis at Andrew E. sa hit comedy movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” with the late Eddie Garcia mula sa panulat at direksiyon ng actor-director na si Eddie Garcia which was released on September 4, 2019. Ito’y sinundan ng “Pakboys Takusa” kung saan naman nakasama ng trio si Jerald Napoles na dinirek ni Al Tantay. Ito’y ipinalabas nung December 25, 2020 sa kauna-unahang virtual Metro Manila Film Festival. Although bukas na ang mga sinehan, Viva decided na ipalabas ang part 2 ng “Sanggano, Ganggago’t Sanggwapo” sa Vivamax simula sa darating na December 31, 2021. Ito bale ang closing movie ng Vivamax sa taong 2021 at siya ring magbubukas sa popular Pinoy streaming app sa taong 2022.

Ngayong December ay ipinagdiriwang ni Andrew E. ang kanyang ika-31 anniversary sa entertainment business. Dahil ito ang buwan nang siya’y magsimula sa showbiz nang pumutok ang kanyang “Humanap Ka ng Panget.” Of of his monster hit rap song na “Humanap Ka ng Panget” ay ginawa itong pelikula the following year habang patuloy ang kasikatan ng rapper-composer and comedian.

Sa pagdaan ng mga taon, although marami nang mga pagbabago, nanatili ang pagkakaibigan nina Janno, Dennis at Andrew E. kaya naroon pa rin ang kanilang chemistry.

Samantala, natutuwa sina Janno, Dennis at Andrew E. na kasama nila sa pelikula ang 2018 Miss Q&A grand winner-turned actor-comedian na si Juliana Parizcova Segovia na nagdagdag ng bagong flavor sa movie ng tatlo. Natutuwa naman si Juliana na makatrabaho ang tatlo na naging very supportive umano sa isang baguhan na katulad niya. Ipinakikilala sa nasabing pelikula ang pamangkin ng dating sexy star na si Lara Morena, ang sexy actress na si Angela Morena.

AUTHOR PROFILE