Micaella Larawan mula sa IG/@micaellaraz

Micaella Raz bagong obsession ng netizens

January 3, 2024 People's Tonight 244 views

PASABOG ang inilabas na promotional pictures ng Vivamax actress na si Micaella Raz.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan para muling ipakilala ang kanyang karakter para sa pinakabago niyang proyekto.

Tampok si Micaella sa isang Vivamax original film na pinamagatang Bedspacer sa direksyon ni Carlo Obispo. Makakasama niya sa nasabing proyekto sina Christine Bermas, Aria Bench, at Aila Cruz.

Ibinandera ng todo-awrang si Micaella ang kanyang hotness sa mga larawan kung saan makikita siyang nakasalampak sa sahig habang nakasandal sa sofa. Ang tangi lamang tabing ng sexy star ay ang puting kumot na tumatakip sa kanyang hubad na katawan.

“Your new obsession – Lexi,” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.

Pinusuan naman ng netizens ang nasabing larawan ni Micaella.

Hirit pa nga ng kanyang co-star na si Aria Bench ay “pasabog.”

“What a beautiful girl.”

“Grabe naman talaga.”

“Wow sexy ni mica.”

“Abangan ko yung movie mo sa Friday.

Nakilala si Micaella sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Sabel Is Still Young (2022), Boso Dos (2023) at Virgin Forest (2022).

AUTHOR PROFILE