Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

January 3, 2024 People's Tonight 149 views

Tiktok1TiktokTiktok3Tiktok4PINATUNAYAN ng kanyang pagiging beauty queen ang taglay niyang ganda at karisma. Kaya naman ang TikTok star na si Joana ay hindi papahuli sa pagpukaw ng atensyon ng netizens at talaga namang unti-unti na siyang tinitingala sa nasabing video-sharing app.

Si Joana Soberano o kung minsan ay kilala ng kanyang social media followers bilang “Jo” ay isang 22-anyos TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 102 thousand followers at halos 300 thousand likes sa kanyang account na may username na @joana.soberano. Bukod pa rito, sinusubay-bayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username na @joana_soberano, na mayroon nang halos 38 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook kung saan humahakot ang kanyang mga post ng libo-libong reactions mula sa kanyang followers.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, kaseksihan, perfect skin, lip synching skills, pagiging fashionista, travel contents, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Sumasali rin ng beauty pageant si Joana kung saan kamakailan ay hinirang siya bilang Binibining Aroroy Turismo 2023. Humakot din siya ng iba pang awards sa nasabing patimpalak.

Hindi maipagkakailang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Joana sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga at maging ang ilang brand partners ng dalaga.

AUTHOR PROFILE