Guess

Sexy star na nganga sa trabaho naiinggit sa sexy stars na feeling rich

January 3, 2024 Jun Nardo 149 views

NAINGGIT daw ang isang sexy star sa kilalang sexy stars na kahit walang masyadong project ay nasusunod pa rin ang luho sa katawan.

Nabawasan din ang projects ni sexy star kaya naman inusisa niya ang sexy stars na kahit limitado na ang projects ay feeling rich pa rin, huh!

Nalaman ni sexy star na nagpapadyokad pala ang mga kilalang sexy star sa mga politician sa malayong probinsiya pero mayaman ang nasasakupan.

Dagdag pa ng padyokad na sexy stars, hindi sa bansa ginagawa ang milagro kundi sa abroad, huh!

Naging interesado tuloy ang nganga sa trabahong sexy star. Nakiusap siya na isali siya sa ipapadyokad at naganap naman ang gusto niya.

Now, alam na ng sexy star kung paano siya magkakapera kahit walang project, huh!

MGA TUKSO AT CHALLENGES SA SHOWBIZ NGAYONG 2024

HINDI lang naman pala peach ang color of the year, ayon kay Atty. Nick Nanquit, isang CPA-lawyer, feung shui expert, spirit questor at tarot card reader.

Naging guest si Sir Nick sa Marites Unievrsirty last Tuesday at sinabi niya na lima ang colors of the year at ilang dito ay ang turquoise blue, isang uri ng red, ‘yung parang khaki at dalawa na nakalimutan namin.

May rason siya kung bakit nasabi na peach ang color of the year. At kung matatandaan, siya ang nagsabi noon na magkakahiwalay ang KathNiel.

Tinanong din namin kay Sir Nick ang kapalaran ng ilang celebrities at may sinabi siya na may kinalaman sa issues ng nasabing celeb.

Pagdating sa showbiz, magpapatuloy ang magandang nangyayari sa ngayon pero maraming tukso at challenges na magaganap sa Year of the Wooden Dragon kung tama ang dinig namin.

Panoorin sa YouTube channel ng Marites University ang predictions ni Atty. Nick.

AUTHOR PROFILE