Aria Larawan mula sa IG/@ariabnch_

Aria Bench inulan ng apoy

January 3, 2024 People's Tonight 194 views

HOTNESS overload ang hatid sa netizens ng Vivamax actress na si Aria Bench matapos niyang ibahagi ang mga bagong larawan.

Sa Instagram page ng sexy star, ibinahagi niya ang ilang larawan para ipakilala ang kanyang karakter para sa pinaka bago niyang proyekto.

Tampok si Aria sa isang Vivamax original film na pinamagatang Bedspacer sa direksyon ni Carlo Obispo. Makakasama niya sa nasabing proyekto sina Christine Bermas, Micaella Raz, at Aila Cruz.

Makikita sa nasabing mga larawan ang todo-awrang si Aria habang mapang-akit na nakaupo sa cabinet, suot ang isang maluwag na sando, kasama ang sumisilip niyang panloob.

“Excited kana ba makilala si Andrea?” sey ng Vivamax actress sa caption ng kanyang post.

Maging si Aria ay napansin ang kanyang boobs sa mga larawan.

“Pasabog ang susseyyyy,” hirit ng sexy star sa comment section.

Pinagkaguluhan naman ng netizens ang nasabing larawan ni Aria. Inulan pa nga ito ng fire emojis mula sa kanila.

“Hi Andrea, Sashaaa pala,” komento ng Vivamax actress na si Aila Cruz na makakasama rin niya sa nasabing palabas.

Nakilala si Aria sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Punit na Langit (2023) at Pantaxa Laiya (2023).

AUTHOR PROFILE