Alden

Alden sa ‘bading’ isyu: Wala na bang iba?

January 3, 2024 Vinia Vivar 128 views

Akala ni Alden Richards ay matitigil na ang mga nakakalokang tsismis sa kanila ni Maine Mendoza nang magpakasal ito kay Arjo Atayde.

Ilan nga sa mga ayaw mamamatay-matay na tsismis ay kasal na sila ni Maine at may anak sila na talagang pinaniniwalaan ng AlDub fans.

“All along, akala ko by the time na, of course, Maine and Arjo became public and then they got married eventually…,” sey ni Alden sa panayam niya sa vlog ni Toni Gonzaga.

Dugtong ni Toni, “Akala mo mawawala na ‘yun? Hindi nawala?”

Sagot ng aktor, “Yes, ‘andiyan pa rin. I already said my piece about this. It’s not true, wala pong katotohanan lahat. Wala po kaming anak, we never got married, we don’t have a love child.”

Pero ngayon ay nasa punto na siya na hinahayaan na lang niya kung saan masaya ang fans.

“Masaya po sila do’n, eh. Tatanggalin ko pa ba? Ira-rub ko pa ba sa mga buhay nila na ‘wala nga, ‘wag kayong makulit.’ I’m not that kind of person. I always support happiness of people,” he said.

Ang talaga umanong pagod na pagod na siyang marinig ay ang tungkol sa gender issue. Pero hinahayaan na lang din daw niya.

“Ganu’n din. O, tingin n’yong ganu’n? Fine. Tingin n’yong bading? Fine. Ang iniisip ko nga minsan ‘pag may ganu’ng mga rumors, ‘wala na bang iba?’” sey ni Alden.

Just because wala siyang girlfriend ay hinusgahan na ang kanyang pagkatao.

“I have my life right now, I’m happy, perfectly happy with what I have, what I’m able to do at the moment,” sey ni Alden.

AUTHOR PROFILE