Anne Larawan mula sa IG/Anne Curtis

It Girl

April 29, 2024 People's Tonight 63 views

NAGTUNGO papuntang Siargao ang tinaguriang ‘Diyosa’ ng Philippine showbiz para ipangalandakan at ilibot ang walang kupas niyang kaseksihan.

Sa latest Instagram post ng ‘It’s Showtime’ host, ibinandera niya ang sizzling hot body nito na para bang hindi na malapit mag-kwarenta ang edad niya.

“Sweet Summer,” maikling caption niya sa post.

Winner sa suot niyang two-piece bikini si Anne, mas lalong nag-bloom ang kanyang toned body sa tropical vibes na disenyo nito.

Kasing kinis ng mga perlas na nasa kanyang kwintas ang golden skin ng TV host-actress. Looking expensive pa rin ang kanyang awra kahit na swimsuit lang ang suot.

Effortless din ang kanyang beauty sa nasabing post. Ang taglay niyang karisma ay nagpapatunay na isa si Anne sa mga “it girl” ng bansa.

Kahit na may asawa’t anak na, patuloy na tinitingala ng mga barako sa mundo ng kanilang pantasya ang tila hindi nauubos na sex appeal ni Anne.

Sa comment section pa lang ng nasabing post, binaha na agad ng kanyang mga tagasuporta ng papuri ang kanyang hotness na iwinagayway.

AUTHOR PROFILE