Carlo

CARLO AT CHARLIE, NAG-NY SA L.A.

January 3, 2024 Vinia Vivar 129 views

Magkasamang sinalubong ng magdyowang Carlo Aquino at Charlie Dizon ang 2024 sa Los Angeles, California, USA.

Nag-post si Carlo ng ilang larawan nila ng girlfriend na kuha sa LA. Sa caption, he wrote, “Soakin’ up the same rays… Happy 2024.”

Si Charlie naman ay nag-post ng solo photos niya with the same dress at the same place na ibinahagi ni Carlo.

“LA vibes. 2/365,” ang maikling caption ng aktres.

Ni-repost niya rin sa kanyang IGS ang post ng BF na larawan nila together.

Sa comment section ay nagkomento si Jolina Magdangal ng “huy! Mag double date naman tayo!!!”

Matatandaang umamin si Carlo na nasa dating stage sila ni Charlie noong January last year habang ang aktres naman ay kinumpirma na ang kanilang relasyon noong Hulyo.

Unang nagkakakilala sina Charlie and Carlo nang gawin nila ang Soldier’s Heart TV series noong 2020 pero nagsimula silang maging close nang magkasama sa Star Magic US Tour in 2022.

2024 AFTERNOON PRIME OFFERINGS

Ngayong 2024 ay patuloy pa ring magbibigay ang GMA Afternoon Prime ng mga kakaiba at makabuluhang programa.

Ipalalabas this year ang kauna-unahang adaptation ng isang K-Drama sa afternoon slot na pinamagatang Shining Inheritance.

Pagbibidahan ito nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager at Coney Reyes.

Makikilala naman si Kapuso Little Princess Jo Berry bilang si Lilet Matias: Attorney-at-Law. Marami ring bagong kuwento na aantig sa bawat pamilya gaya ng Mommy Dearest, A Mother’s Tale at A Family Like Us.

Unique ang istorya pero very relatable naman para sa mga nangangarap ang upcoming series na Forever Young at For the Love of Kobe.

Magsisimula sa January 8 sa GMA Afternoon Prime ang handog ng GMA Public Affairs na Makiling na pinangungunahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

AUTHOR PROFILE