Cedric

Mga kabataang Pinoy mas kilala ang K-pop kaysa GomBurZa

January 3, 2024 Aster Amoyo 165 views

NAPAKINGGAN namin sa kanyang radio program on DZBB ang veteran radio and TV news anchor/host na si Arnold `Igan’ Clavio last Tuesday morning at ang kanyang positibong komento sa pelikulang “GomBurZa” na tinampukan nina Dante Rivero, Cedrick Juan at Enchong Dee at kung saan may special participation ang “Mallari” lead star na si Piolo Pascual na pinamahalaan ng mahusay na director na si Pepe Diokno.

He personally endorses the movie na panoorin laluna ng mga kabataan ngayon na mas kilala pa ang mga K-pop artists at ang buhay ng mga ito kesa mga bayani ng Pilipinas na nagbuwis ng buhay para sa bansa.

Samantala, tiyak na magiging maganda ang pasok ng taong 2024 para sa MMFF Best Actor na si Cedrick Juan ng “GomBurZa”. Underrated actor mang maituturing, napansin ang kanyang pagiging mahusay na actor sa kanyang pagganap as Padre Jose Burgos sa pinipilahan ngayong pelikula, ang “GomBurZa” na nakapag-uwi ng pitong major awards sa nagtapos na Gabi ng Parangal ng 49th Metro Manila Film Festival na ginanap sa New Frontier Theater nung nakaraang December 27, 2023 kung saan siya tinanghal na Best Actor over Christopher de Leon ng “When I Met You In Tokyo,” Piolo Pascual in “Mallari,” Dingdong Dantes in “Rewind,” Derek Ramsay in “K(ampon)” at Christian Bables in “Broken Hearts Trip”.

Hanggang ngayon ay overwhelming pa rin ang pakiramdam ni Cedrick na nakuha ang Best Actor trophy aafter10 years in his acting profession. In 2017, siya rin ang tinanghal na Best Actor ng Aliw Awards para sa stage play na “Sakuntala: Ang Singsing ng Kapalaran”.

Sa entablado nagsimula si Cedrick na nagtapos na Mass Communication sa Far Eastern University kung saan siya naging bahagi ng F.E.U. Art Theatre Clinique. Naging parte rin siya ng Dulaang UP sa University of the Philippines mula 2013 hanggang 2016. His first musical play ay ang “Mula sa Buwan,” isang musical adaptation ng Edward Rostand’s “Cyrano De Bergerac”.

First movie naman niya ang indie movie na “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” in 2011 na sinundan ng “Viva Escolta”. He also did “Oro,” “Bliss” at iba pang indie movie. Naging bahagi rin siya ng mga pelikulang “Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend”?, “Die Beautiful,” “Last Night,” “Goyo: Ang Batang Heneral,” “The Panti Sisters,” “Two and One” at “Huling Palabas”.

Taong 2014 naman nang siya’y magsimula sa TV sa pamamagitan ng “Ilustrado” na sinundan ng “Single/Single,” “Karelasyon,” “Ipaglaban Mo” where he appeared thrice, ang TV series na “Til I Met You,” “Tadhana,” “Wagas,” “Paano ang Pangako at “Fit Check: Confessions of an Ukay Queen,” “I Am You” and “Uncoupling”.

With his recent win mula sa MMFF bilang Best Actor for the movie “GomBurZa,” asahan ang pagiging busy ni Cedrick sa taong tao.

Ngayon pa lamang ay bising-bisi na si Cedrick sa kabi-kabilang interview sa kanya.

Vic at Pauleen magwa-walong taon na

VicVic1Vic2SA darating na January 30, 2024 ay ise-celebrate ng celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto ang kanilang 8th anniversary bilang mag-asawa. Their first child na si Tali (Talitha Maria Luna Sotto) was born on November 6, 2017 and they’re expecting their second baby any day soon.

It was in July 2023 nang in-announce ng mag-asawa that they’re expecting their second child kaya magiging Big Sister na ang kanilang panganay na si Tali who turned 6 last November 6.

Si Pauleen ay naging contestant ng 1995 “Little Miss Philippines” segment ng old “Eat Bulaga” ng Tito, Vic & Joey kung saan sina Vic Sotto at Joey de Leon pa ang nag-interview sa kanya. When she was already grown-up ay naging bahagi siya sa “Eat Bulaga” bilang isa sa Dabarkads at dito nagsimula ang kanilang love affair ng veteran host, singer-songwriter, actor-comedian at producer na si Vic na nauwi sa kanilang pagpapakasal nung January 30, 2016.

Si Pauleen ang second wife ni Vic matapos itong mahiwalay at ma-annul ang marriage sa ex-wife na si Dina Bonnevie with whom he has two children – sina Danica at Oyo Boy.

Vic has other children from other women, si Vico Sotto sa veteran actress na si Coney Reyes at si Paulina Sotto sa dating actress-host na si Angela Luz.

Ang ipinagabubuntis ngayon ni Pauleen ay pang-anim na anak bale ni Vic na meron nang siyam na apo sa kanyang elder children na sina Danica, Oyo Boy and Paulina. Naghihintay pa si Vic na magkaroon ng daughter-in-law at apo sa kanyang anak na si Vico, ang kasalukuyang mayor ng Pasig City.

Anne balik pelikula at teleserye na

AnneMAGIGING abala this year ang “It’s Showtime” host, actress at celebrity endorser na si Anne Curtis sa kanyang acting career. May balitang matutuloy this year ang unang tambalan nila sa pelikula ng GMA prized actor na si Alden Richards at nakatakda rin siyang bumalik sa paggawa ng teleserye , ang Philippine adaptation ng 2020 hit K-drama series na “It’s Okay To Not Be Okay” na pagsasamahan nila nina Joshua Garcia at Carlo Aquino. She was last seen in a TV series in 2016 nang magkaroon siya ng guest appearance sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Pagkatapos nito ay hinarap muna ng actress-TV ang kanyang personal na buhay. She married her husband na si Erwan Heussaff on November 12, 2018 and gave birth in Australia sa kanilang first baby na si Dahlia Amelie, now three years old.

Parehong hands-on parents ang mag-asawang Anne at Erwan sa kanilang first born.

Maraming ikakasal ngayong 2024

PicAMONG the showbiz break-ups last year, maituturing na ang paghihiwalay ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang pinaka-major break-up nung nakaaraang taon na kinabibilangan din ng mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Kim Chiu at Xian Lima, Edu Manzano and Cherry Pie Picache, Kyline Alcantara and Mavy Legaspi, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Yassi Pressman at Jon Semira at iba pa. Pero sa kabila ng maraming showbiz break-ups in 2023, marami pa ring celebrity couples ang nakatakdang ikasal ngayong taon ng 2024 at kasama sa mga ito ang engaged couples na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, Sam Milby at 2015 Miss Universe na si Catriona Gray maging ang Kapuso actor na si Benjamin Alves at Chelsea Robato at natitiyak namin na meron pang ibang celebrities ang magsusunuran sa pagpapakasal sa taong ito.

Empress itinuturing na blessing ang mister

Pic3Pic2NGAYONG 2024 sana nakatakdang isilang ng 30-year-old actress na si Empress Schuck ang kanilang second baby or babies ng husband niyang si Vino Guingona kung hindi lamang siya nagka-miscarriage nung nakaraang taon.

Ang mag-asawa ay merong 8-year-old daughter na si Athalia.

“This year, we would’ve been a family of four or even five. From two embryos, to one, then to none. I’m still not sure how to talk about it. I just know that sometimes our plans for ourselves don’t align with God’s plan for us,” post ng actress sa kanyang Instagram account.

“To my husband @vinoguingona who’s been by my side and making sure I feel alright through this puzzling experience, you are truly God’s blessing to me. We may not exactly understand how we fell about this but having each other is enough to say that everything will be ok. To our family who showed us care and love, thank you and appreciate all of you.”

Si Empress ay huling napanood sa hit primetime TV series na “The Broken Marriage Vow” in 2022.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE