Claudine

Claudine, milyun-milyon ang hinahabol kay Raymart

January 3, 2024 Vinia Vivar 128 views

Pasabog ang mga sinabi ni Claudine Barretto sa panayam niya sa vlog ni Luis Manzano dahil ibinunyag niya ang malaking perang hinahabol niya sa kanyang ex-husband na si Raymart Santiago.

“We’re talking about hundreds of millions,” pahayag ng aktres. “Ang iniwan sa akin was P25,000.”

Patuloy pa niya, “Sa isang bangko pa lang was like P116 million. Isang bangko pa lang ‘yun and iniwan was P25,000 and I don’t know kung bakit kahit na and/or ‘yan (ang kanilang account) or whatever, dapat kahit paano, sinasabihan ka ng bangko, ‘di ba?”

Kwento pa ng aktres, “Ang binalik lang niya sa akin nu’n during that time was P7 million. We were still together. Kasi nga kukunin pa niya sa kung sino ‘yung mga pinagtaguan niya nu’ng perang ‘yun.”

Hangga’t maaari ay ayaw daw niyang masabihang magnanakaw ang tatay ng mga anak niya kaya hindi niya inilaban dati.

“But now na lumalaki ‘yung mga anak ko, ta’s kukunin mo ‘yung bahay? ‘Yung bahay namin?” aniya.

“Kukunin ko na kung ano ‘yung dapat sa akin. Maglabasan na tayo, sige na,” dagdag pa ni Claudine.

Kaya ngayon ay ongoing daw ang kanilang kaso ng kanyang ex-husband bukod pa sa dinidinig din ang kanilang annulment.

Kinailangan umano niyang bawiin ang pera dahil hindi sumunod ang kanyang ex sa unang usapan nila tungkol sa sustento sa kanilang mga anak.

“Ngayon, since malaki na ang mga anak ko, Sabina wants to study abroad, Santino’s in Brent and alam naman natin kung gaano kamahal ‘yun. So, parang since hindi niya nabibigay ‘yung support na inorder ng court, hindi nasusunod, parang ‘yun ‘yung sinasabi ng mama na ‘ipaglaban mo,’” saad pa ng aktres.

‘Yung property naman daw ay naipundar niya noong time na ginagawa niya ang isang teleserye.

Ayon pa sa aktres, pinaghirapan niya ang lahat ng naipon at naipundar niya para sa kanyang mga anak.

“Blood, sweat and tears ‘yun, eh. Literal. Para sa mga anak ko ‘yun,” she said.

AUTHOR PROFILE